Charo Santos-Concio kinilala bilang Woman Super Achiever

MANILA, Philippines - Nanalo ang ABS-CBN ng Asia’s Best Employer Brand Award bilang pagkilala sa pagiging isang mahusay nitong employer na nagtataguyod sa kapa­kanan ng mga emple­ya­do sa pamamagitan ng mga pagsasanay, pagpapatupad ng mga patakaran at pagbabagong mangangalaga at susulong sa interes ng mga ito.

Napili ang ABS-CBN ng mga hurado matapos irekomenda ito ng isang malayang koponan ng mga propesyonal sa Asya.

Wagi naman ng Woman Super Achiever Award si ABS-CBN President and Chief Operating Officer na si Charo Santos Concio. Ang naturang parangal ay iginagawad sa mga na­tatanging kababaihan na nagpapakita ng mahusay na pa­mu­muno at pamamahala ng isang organisasyon, pagpapatupad ng pagbabago at pagbubunga ng positibong resulta.

Ang Asia’s Best Employer Brand at Women Super Achiever awards ay ibinigay ng Employer Branding Institute, World HRD Congress, Stars of the Industry Group at CMO Asia. Ginanap ang awarding ceremonies sa SUNTEC Singapore International Convention and Exhibition Centre noong July 22.

Sina Charo at ABS-CBN corporate communications head Bong Osorio ang dumalo sa naturang event.

Show comments