Vice Ganda pinaglaruan ng hacker

Noong Linggo ay kumalat ang balitang na-hack ang mga online accounts ni Vice Ganda. Marami tuloy ang nabahalang Twitter friend at Facebook friends ng komedyante.

“Sunday ko nalaman na may nangingialam ng Twitter ko kasi nag-unfollow sa mga friends ko ’yung mga fans club ko. Baka nagloloko ang Twitter so nag-sign out ako.

“Noong nag-sign in ako, ’di ko na siya ma-access. Na-hack na yata talaga, pagbukas ko ng FB (Facebook), ‘That was your old password, your password has been changed yesterday 12:32 pm.’ Wala na akong ma-access, e-mail, FB, and Twitter,” himutok ni Vice.

Hindi alam ni Vice kung sino ang may kagagawan nito. Wala siyang idea.

“’Yung hacker, ginamit niya ’yung account ko para mag-DM (direct message) siya kay Ogie (Diaz): ‘Sinadya naming gawin ito sa alaga mo dahil tuturuan lang namin ng leksiyon.’ Sino kaaway ko? Wala akong kaaway.

“’Tapos sabi niya, sige na, naaawa na kami sa alaga mo, eto na ’yung bago mong password. Noong sinubukan ko ’yung bagong password, nabuksan! I-change ulit natin agad para ’di na niya ma-access. Noong binago namin, ’di na namin mapasok ulit, na-change na niya kaagad,” pagde-detalye pa ng TV host.

Agad namang humingi ng tulong si Vice sa kanyang mga kaibigan at sa mga experts para muling ma-retrieve ang kanyang mga accounts. Mayroon ding mga nagsulputang pekeng account si Vice.

“Si Jon Avila nag-BBM (Blackberry Messenger) sa akin, merong bagong pangalan, vicegandahacker. Tini-tweet ako, kung anu-ano ang sinasabi. Sabi ko hayaan mo na, meron pa nga akong bago eh vicegandakonew, eh hindi naman ako, poser, ’di akin ’yan,” paglilinaw pa ni Vice.

Noong Miyerkules ng gabi ay na-retrieve na ng komedyante ang kanyang Twitter account sa tulong ng kanyang kaibigan na si Andrew Wolff. “Yes, sa mga ka-tweet ko I’m back. Magharutan na tayo ulit at ipagpatuloy natin ang pagtu-tweet. Almost 700,000 ’yung followers, napapatawa ko pa rin kahit wala ako sa telebisyon, ’yung koneksiyon na ’yun ang ayaw kong maputol,” pagtatapos ni Vice.

Enchong hanggang kaibigan lang talaga ang gusto kay Erich

Sa Aug. 15 ay magsisimula na ang teleserye nina Erich Gonzales at Enchong Dee na Maria La Del Barrio.

Medyo mature na ang karakter ng dalawa sa nasabing serye dahil may mga daring scenes ang love team dito.

Nagkailangan kaya sila sa mga maseselan na eksena na kanilang ginawa?

“Walang hesitations, walang awkwardness. Sa bawat project, mas lalo naming nakikilala ang isa’t isa. Wala nang kahit anong inhibitions. Si Enchong, hindi siya nagte-take advantage, perfect gentleman,” pahayag ni Erich.

“Pinaghandaan, siyempre ini-expect nila. Something new, something steamier than the others. Parang mas confident, hindi katulad dati na nahihiya pa,” sagot naman ni Enchong.

Ayon pa sa binata ay maayos ang kanilang pagka­kaibigan ni Erich kaya mas pinili nilang huwag magkaroon ng isang espesyal na relasyon.

“Hindi ba mas maganda na forever kaming magkasama na masaya? Minsan mas okay pa ’yun kesa nagkakaroon ng relasyon kasi we’re gonna make sure na kahit meron na kaming mga sari-sariling pamilya, magkaibigan pa rin kami,” paliwanag pa ni Enchong. Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments