Mabuti na lang, maaga akong nagpunta kahapon sa unveiling ng 100 Most Beautiful ng YES! Magazine or else, naging biktima rin ako ng over-acting na trapik mula sa Cubao hanggang sa Ortigas Center.
Ang mabagal at matagal na trapik ang reklamo ng mga entertainment writer na na-late sa unveiling ng bonggang project ng YES! at Summit Media Publishing Inc.
Hindi muna ipinamigay ang mga compli copy ng Most Beautiful hanggang hindi ipinakikilala si John Lloyd Cruz. Nagsiguro ang event organizer para walang mag-Tweet o mag-text na puwedeng ika-pre-empt ng kanilang mga plano.
Walang nagprotesta sa pagkakapili kay John Lloyd bilang kauna-unahang male celebrity na naging cover ng Most Beautiful magazine.
Deserving si John Lloyd dahil sa kanyang, mga achievemet at star power. Kahit Kapamilya ang nasa cover, marami sa mga Kapuso star ang ka-join sa listahan ng Most Beautiful. Siyempre, nasa listahan sina Richard Gutierrez, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Lovi Poe, Paolo Contis etc.
Gustung-gusto ko ang concept ng pictorial ni Paolo at ng kanyang dalawang anak. Ang cute ng mga bagets kaya hindi ako magugulat kung maging artista rin sila balang-araw.
Uy, kasali rin sa 100 Most Beautiful List si Rocco Nacino na lumapit sa akin, nag-beso with matching dialogue na “Thanks for coming...”
Napaisip ako sa sinabi ni Rocco.Talagang nag-akala ako na birthday party niya ang pinuntahan ko, hindi ang event ng YES!
Wala pang dalawang taon si Rocco sa showbiz pero confident na confident na siya dahil tsika-tsika na siya kay John Lloyd. Hindi nakapagtataka kung mabilis na matupad ang mga pangarap ni Rocco dahil pursigido siya.
May na-sight ako na starlet sa YES! event pero hindi ko na babanggitin ang kanyang name. Hindi siya makakatulong sa column ko.
Talagang nagtataray raw ako o!
As usual, bibang-biba si Jillian Ward na umapir din dahil kasama rin siya sa Most Beautiful List.
Sinamahan si Jillian ng mga magulang niya at ng bagong silang na baby sister na carbon copy ng kanyang fadir.
Siguradong matutuwa si Annabelle Rama kapag nalaman nito na nasa listahan ng Most Beautiful ang kanyang mga anak na sina Ruffa at Richard, pati na ang talent niya na si JC de Vera.
‘Yun nga lang, hindi umapir sa unveiling ang mga alaga ni Bisaya dahil mga nasa ibang bansa sila.
Kung nagpunta si Ruffa, tiyak na siya ang dudumugin ng media dahil isang mhin na naging bahagi ng kanyang past ang hinirang na Most Beautiful.
Si John Lloyd ang tinutukoy ko. As if naman, may iba pa.
First time ko na dumalo sa presscon ng Most Beautiful at nag-enjoy ako dahil sa mga loot bag na naharbat ko.
Nag-win din ako sa raffle draw kaya sulit na sulit ang mahabang biyahe ko mula sa bahay ko hanggang sa Ortigas Center.
Kung palaging ganoon kasaya ang event, tiyak na dadalo uli ako sa susunod na taon.