^

PSN Showbiz

Boyet dedma kung makakasama si Nora sa Singko

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sa July 31 na sisimulan ang taping ng mini-series ng TV5 na pagbibidahan ni Nora Aunor kahit wala pa ang Superstar sa bansa. Do?a Negra ang title ng mini-series sa panulat ni Dinno Erece, pero baka palitan dahil nag-leak na sa press.

Ang ganda ng story ng Do?a Negra na siyempre bawal isulat at malaki ang kinalaman ng title sa karakter ni Guy. Kundi magbabago ang casting, makakasama ni Nora si Eugene Domingo at may special participation pa si Christopher de Leon. Pero nang tanungin namin ang aktor sa taping ng Captain Barbell, hindi ito sumagot.

Si Mario O’ Hara ang direktor ng mini-series, kaya big reunion nila ito ni Guy. Hindi makakalimutan ng mga Noranians na si Direk Mario ang nasa likod ng ilan sa magagandang pelikula ng Superstar kabilang na ang Tatlong Taong Walang Diyos.

Aug. 2 ang narinig naming bagong schedule ng dating ni Guy pero parang hindi na naman ito matutuloy. Basta pagdating nito, magsisimula agad siyang mag-taping para sa Do?a Negra.

Kris natauhan na sa sobrang kapayatan, kumakain na uli

Nakita si Jay Perillo sa labas ng Studio 6 ng GMA Annex building na venue ng presscon ng Time of My Life na isa sa mga bida ay si Kris Bernal. Umamin naman ang aktres na pinuntahan siya ng rumored BF para mag-wish ng good luck at kung napanood ni Jay ang dance number ni Kris, magi­ging proud siya lalo sa girl.

Ang Time of My Life ang itinurong rason ni Kris kung bakit 90 lbs. na lang siya. Nag-diet siya para makasabay sa nagseseksihang kasama sa dan­serye, para wala siyang bilbil ’pag nagsuot ng sexy costumes at para magaan siyang buhatin. Pero kumakain na uli siya ng maayos after sabihang sobra na siyang payat.

“Wala akong social life sa ngayon dahil sa danserye, four times a week ang taping namin, may rehearsal at shooting pa ng Panday 2. Pero okay lang, trabaho muna ang unahin at kaya ko naman palang sumayaw,” wika ni Kris.

Sa Monday, Aug. 1, ang pilot ng Time of My Life after Munting Heredera at sa hirap ng show, dalawa ang direktor. Si Mark Reyes ang in charge sa musical at si Andoy Ranay sa drama.

Jolina mapapaaway sa dyowa kapag nginarag sa kasal ngayong taon

Magkasama sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa Iglot, pero hindi sila ang magkapareha at hindi alam ng dalawa kung kalaunan ay magiging sila sa story dahil ilang days pa lang sila nagti-taping. ’Kaloka nga dahil first taping day, sobrang init sa Arayat, Pampanga, at sa second day ay inulan naman sila. 

Pinaghandaan din ni Jolina ang Iglot at dahil hindi nakasama sa cast sa workshop, nagkaroon siya ng one-on-one workshop kay Beverly Vergel. Gusto nga nito, kahit kalagitnaan na sila ng taping, mag-workshop uli sila.

“Kung walang budget ang station sa workshop, kami-kami na lang ang sasagot at puwedeng ako na lang. Seryoso kasi ang tema ng Iglot, ang role ko lang, ma-drama na agad. Pero natutuwa akong mapasama rito,” ani Jolina.

Hindi pa pala ngarag si Jolina sa paghahanda sa wedding nila ni Mark Escueta dahil early next year pa ang plano nila o basta hindi kailangang umabot ng mid-year. Gusto rin niyang malamig ang panahon para lahat ay komportable.

   “Ayaw kong madaliin ang preparation at ang da­ming dapat i-consider. Gusto ko sana this year pero kung mag-aaway lang kami ni Mark dahil dun, next year na lang. At magsu-showbiz pa rin ako,” sabi ni Jolens.

Star Cinema ire-release ang Septic Tank

May chance na ang mga hindi nakapanood ng Ang Babae sa Septic Tank dahil ipalalabas ito sa 40 theaters simula Aug. 3. Ang Star Cinema ang magre-release ng pelikula na nagpanalo ng best actress kay Eugene Domingo sa 7th Cinemalaya Independent Film Festival.

Nakita rin ang galing nina Kean Cipriano, Cai Cortez, at JM de Guzman.

Itatanong namin kay Noel Ferrer kung kailan naman ang commercial run ng Ligo Na U, Lapit Na Me, isa rin sa magagandang pelikula sa Cinemalaya at nagpanalo ng best actor kay Edgar Allan Guzman.

DAHIL

EUGENE DOMINGO

IGLOT

JOLINA

LANG

NEGRA

PERO

SEPTIC TANK

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with