^

PSN Showbiz

Hindi naniniwalang nagbago na, Yasmien walang planong iurong ang demanda kay Baron

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Sa August 4 ay aalis na patungong Italy si Alfred Vargas kasama ang asawang si Yasmine Espiritu at ang anak nilang si Alexandra Milan.

Dapat ay nung nakaraang linggo pa ang alis ni Yasmine dahil plano na nga nilang doon sa Italy ito manganganak.   

Pero nabago ang plano. Kasama na si Alfred para ihatid ang kanyang mag-ina.

Sa October pa ang due ni Yasmine kaya babalikan na lang ito ni Alfred dahil gusto niyang nandun siya kapag manganganak ito.

Pagbalik niya galing Italy ay sisimulan na raw nito ang bagong teleserye sa ABS CBN 2.

Pero gusto pa rin ni Alfred na maging active ang kanyang film production na Alternative Vision Cinema. Sisimulan na rin daw nito ang isa pang mala­king pelikulang ididirek ni Aureaus Solito.

PAK : Sa Biyernes na raw ga-graduate si Baron Geisler sa Penuel House kung saan nagpa-rehab siya ng ilang buwan.

Isa sa haharapin ni Baron sa kanyang pag­labas ng rehab ay ang kasong matagal nang isinampa sa kanya ni Yasmien Kurdi.

Hindi ito nakasipot sa hearing nung nakaraang linggo pero sa susunod na hea­ring nito sa October 5 ay kailangang dumalo na siya.

Parang hindi pa kasi kumbinsido si Yasmien na talagang nagbago na si Baron dahil hindi pa rin daw nito hinaharap ang kasong isinampa sa kanya.

Ang sabi ni Yasmien, sana makita raw niya ang pagbabago ni Baron kung haharapin nito ang kaso at personal na humingi ng paumanhin sa lahat daw nang pambabastos na ginawa sa kanya at sa iba pang babae.

BOOM : Umalis na nung Linggo pa-Japan si Iwa Moto para ayu­sin doon ang kanyang citizenship.

Hindi pa niya masasabi kung kailan ang balik niya pero mukhang matatagalan dahil kailangang pagbalik nito ay naayos na raw ang mga papeles ng kanyang citizenship.

Nasa Twitter account na nito na nagba-bonding na sila roon ng kapatid niyang si Miki.

Isa rin sa mga dahilan nang pag-alis ni Iwa ay para makalimutan na ang mapait na hiwalayan nila ni Mickey Ablan na napunta na kay Janna Dominguez.

Isa sa mga tweets niya pagdating ng Japan : “New memories, new mistakes, new heartaches, new people, new tears, new laughs, new year lahat NEW!”

vuukle comment

ALEXANDRA MILAN

ALFRED VARGAS

AUREAUS SOLITO

BARON GEISLER

ISA

IWA MOTO

JANNA DOMINGUEZ

MICKEY ABLAN

NEW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with