Coco nami-miss na ang pag-i-Indie!

Nabulabog ang buong opisina namin - Star Group of Publications nang dumating si Coco Martin kahapon. Yez si Coco Martin.

Papasok pa lang siya ng hagdan ng aming opisina, nagtitilian na ang lahat. At take note hindi lang kababaihan ang nagsisigaw, maging ang kalalakihan na hindi ko ini-expect ha.

Hindi kasi siya naka-join sa ginanap na employees appreciation party ng The Philippine Star, Ang Pilipino Star Ngayon, at Pilipino Printing para sa 25th anniversary ng magkakapatid na kumpanya na ginanap noong Lunes ng tanghali sa Manila Hotel Tent (may ibang story kami sa mga nag-attend doon) dahil may taping siya para sa Minsan Lang Kita Iibigin, kaya naki-meet and greet na lang siya sa lahat ng empleyado kasama ang kanyang manager na si Mother Biboy Arboleda.

Mabait si Coco, sa true lang.

Feeling ko, hindi siya naiirita kahit gusto siyang yakapin at halikan ng mga kaopisina ko.

Madali siyang kausap. Pag sinabing pahalik naman, go siya nang go.

Actually, parang hindi siya ang Coco Martin na mas tinitilian na ngayon kahit saan magpunta.

Sa mga rampahan kasi ngayon, parating siya ang pinagkakaguluhan at tinitilian at natatabunan na niya talaga ang ibang aktor na kapwa niya Kapamilya.

Pero the more yata na sumisikat si Coco mas nagiging humble siya. Say nga ng manager niyang si Mother B., gusto niya talaga na nagri-reach out si Coco sa mga taong nakaka-appreciate sa kanya.

Sa isang mabilis na tsikahan kahapon, na-mention niyang nami-miss niyang gumawa ng indie film. In fact, parang nagtataka at medyo sumasama raw ang loob niya dahil wala siyang offer lately para gumawa ng indie film. Nanghihinayang din siya na wala siyang napanood sa mga pelikulang ipinalabas sa katatapos na Cinemalaya Filmfest na ginanap sa Cultural Center of the Philippines (CCP). “Kaya baka sa UP ko na lang panoorin,” pahabol niya.

Two years ago pa ang huling pelikula niyang nakasama sa Cinemalaya, ang Jay.

Kaya nga after ng Minsan Lang Kita Iibigin na hindi alam kung kailan matatapos, plano niyang bumalik sa indie. At gusto niya, co-producer uli siya.

Si Coco ang isang aktor na nagsimula sa indie film pero tingnan naman ninyo kung nasaan siya ngayon.

Ang huling pelikula niyang ginawa, Noy, kinabiliban ng marami dahil sa galing niya dung umarte.

Show comments