Ngayong hiwalay na sina John Prats at Rachelle Ann Go may mga nagtatanong kay Gab Valenciano kung may balak ba siyang makipagbalikan sa dating girlfriend.
Naging magkasintahan sina Gab at Rachelle Ann noon. “I guess I can say of course but I don’t think there’s a chance we’ll get back together kasi we tried it once before, hindi gumana. I think we’re better off as friends,” pagtatapat ni Gab.
Ngayon ay masaya raw si Gab sa bagong nagpapatibok ng kanyang puso. “Nagpapatibok, I guess you can say that at sobrang nakaka-inspire kaya sobrang masaya. Hindi ko pa puwedeng sabihin pero malalaman n’yo soon maybe,” dagdag pa ni Gab.
Vhong, sumabak na rin sa drama
Araw-araw nating napapanood si Vhong Navarro sa Showtime. Magaling siyang mag-host at magpatawa sa nasabing programa.
Ngayon ay gabi-gabi na ring napapanood si Vhong sa 100 Days To Heaven bilang guest ng serye at nagda-drama siya rito. “Mga Kapamilya, ang 100 Days na guesting ko po, napakaganda ng message ng character ko. Isa akong magician na nagtatago kasi napagbintangan siyang magnanakaw. Kailangan niyang makahanap ng trabaho para sa kapatid niya na pinag-aaral. Sana po ay subaybayan n’yo pa rin ako sa 100 days po,” pahayag ni Vhong.
Pilar Pilapil ayaw nang alalahanin ang pananaksak sa kanya
Noong Abril naganap ang pananaksak sa aktres na si Pilar Pilapil ng mga hinihinalang carjackers.
Mula noon ay hindi na nakapagbigay ng personal na pahayag si Pilar sa media tungkol sa insidente at makalipas ang ilang buwan ay muling lumitaw ang aktres.
Nakunan ng pahayag ni ABS-CBN Europe News Bureau chief Danny Buenafe si Pilar na kasalukuyang nasa London. Ayon sa aktres ay gusto na niyang kalimutan ang malagim na nangyari sa kanya. “Huwag na natin pag-usapan ‘yan kasi maaalala ko lang lahat. Ang importante ay buhay ako. Nagpapasalamat lang ako sa lahat ng tumulong sa akin at nag-pray sa akin,” nakangiting pahayag ni Pilar.
Ayon sa aktres ay lalo raw tumibay ang kanyang pananampalataya sa Diyos dahil sa nangyari sa kanya. “Spiritual na akong tao kaya ako na-save dahil spiritual na ako. There’s lot of protection from the Lord kasi nagsisilbi na ako sa Kanya, it was a miracle, I am a living miracle,” dagdag pa ni Pilar.
Abala ngayon ang beteranang aktres sa shooting ng isang independent film na kanyang ginagawa sa London, ang Leona Calderon. Ito ay kuwento ng tatlong overseas Filipino workers na may sakit na cancer at kung paano nila haharapin ang buhay. Reports from JAMES C. CANTOS