Movie sa GMA 7 ni Kris, tuloy na!

May meeting ngayong araw sina Kris Aquino at manager nitong si Deo Endrinal kay Atty. Annette Gozon at kundi kami nagkakamali, tungkol sa movie na gagawin ng TV host-actress at Dingdong Dantes pati na rin sa movie na gagawin ni Kris sa GMA Films next year ang agenda ng meeting.

Nauna nang nagpasalamat si Kris sa GMA Films dahil pinayagan si Dingdong na gawin ang movie nilang Segunda Mano na entry sa MMFF. Kapalit nito ang pagpayag ni Kris na gumawa ng movie sa GMA Films, pero next year na dahil may kontrata pa siya sa Star Cinema.

Busy ang week ni Kris ngayon. Bukas, may interview siya kay Batangas Gov. Vilma Santos para sa Kris TV. Sa Thursday, aalis si Kris for Hong Kong kasama ang mga anak na sina Josh at Baby James at sa Sunday na ang kanilang balik.

Bata sa Iglot nahanap na

Kahapon ang first day taping ng Iglot, pero hindi na sa Albay, kundi sa Arayat, Pampanga ang location dahil nag-uulan daw sa Albay. 

Isa sa naging cause of delay ng taping ay natagalan ang GMA 7 sa paghahanap ng child star na gaganap na anak ni Claudine. Milkach Wynne Nacion ang nabasa naming name ng bagets at sa pangalan pa lang, foreigner na.

Natawa kami sa reaction na dapat worth the wait ang bagets dahil cause of delay siya. First time magkakasama sina Claudine Barretto at Jolina Magdangal sa Channel 7 soap at join din sina Luis Alandy, Marvin Agustin, Celia Rodriguez at marami pang iba.

Si Gil Tejada ang director ng Iglot.

Halik ni Elmo kay Sam, kinaiinggitan ng mga tween boys

Narinig naming tsikahan ng mga bagets ng Tween Academy: Class of 2012 na inggit na inggit sila kay Elmo Magalona dahil may eksena sa movie na humalik siya kay Sam Pinto, na crush ng mga bagets sa said movie.

Kinantiyawan daw nina Joshua Dionisio, Jake Vargas, Kristoffer Martin, Alden Richards at Derrick Monasterio si direk Mark Reyes na may favoritism dahil bakit si Elmo lang ang nakahalik kay Sam?

Siguradong one-liner lang ang sagot ni direk Mark, sa story kasi, lumalabas na may crush si Elmo sa kanyang teacher na ginagampanan ni Sam. Pero ‘wag malungkot ang fans nina Elmo at Julie Ann San Jose dahil sa ending, silang dalawa ang magkakatuluyan dahil may cameo ang singer-actress.

Solenn ayaw mag-teleserye

Busy pa rin si Solenn Heussaff kahit magtatapos na ang Captain Barbell sa rami ng trabaho. Nagpo-promote na siya ng kanyang self-titled album at ang paghahanda sa kanyang concert sa Teatrino sa August 19.

Billed SOS o Solenn On Stage ang concert pero hindi pa niya alam ang director, at ang repertoire niya, pero malamang, songs from her album ay kanyang isasama.

 For her next show sa GMA 7, gusto niya comedy at horror at ayaw niya sa teleserye dahil ayaw niyang naghihintay sa taping.

Nagagalingan pala si Solenn kay Sid Lucero pagdating sa acting at crush niya si Rocco Nacino dahil cute ng face. 

Show comments