MANILA, Philippines - Marunong tumanaw ng utang na loob ang magaling na aktor sa mga taong nakatulong sa kanya nung struggling pa lang siya sa showbiz. Nang malaman niyang magbabakasyon sa ibang bansa ang nakadiskubre sa kanya, aba, pinadalhan niya ito ng dollars.
Alam kasi ng aktor ang hirap ng discoverer niya nung time na wala pang nakapansin sa talento niya. Kaya naman tuwing may mahalagang okasyon sa buhay nito, give siya ng datung!
So, ang aktor, kahit open book na ang nakaraan sa mga karanasan niya sa buhay, higit na pinapansin ngayon ang husay niya sa pag-arte kesa sa mga tsismis ng buhay niya.
Solenn nagmamakaawa sa mas mahabang oras ng tulog
Gusto ni Solenn Heussaff na gumawa naman ng horror or comedy after ng Temptation Island. At matutupad ang gusto niyang mag-comedy dahil isang buwan siyang makakasama sa cast ng Bubble Gang.
Kahit hindi muna siya bigyan ng teleserye, hindi problema kay Solenn dahil gagamitin niya ang oras niya sa pag-aaral ng Tagalog lessons.
“Kasi parang mahirap maghanap ng roles for me. Kasi ‘yung accent, and I’m always thinking of the language kaya I cannot do...But I don’t like so much the waiting,” rason ni Solenn nang makausap namin sa last taping day ng Captain Barbell.
Eh ayon kay Solenn, ang pagkanta ang talagang unang gusto niya kesa sa pag-arte.
“Kaya nga nai-stress ako kapag kumakanta ako sa mall shows nang walang boses. I lack sleep! May concert ako sa August 19 and I told Leo (Dominguez, her manager) na please naman, kahit six hours per night...I don’t want to be insulted after at the end of the day,” pakiusap ni Solenn sa manager na bigyan siya ng oras para matulog.
Edgar Allan, hanggang puwet lang ang kayang ipakita
Nagbunga rin ang pagtitiyaga ni Edgar Allan Guzman sa paggawa ng indie movies matapos siyang gawaran ng best actor award sa katatapos na 7th Cinemalaya. Siguro naman gumanda ang career niyang lalo kapag sa mainstream movies ipinakita ang husay niya bilang artista.