Gretchen nagtaray sa reporter ng GMA 7

PIK: Waging-wagi ang pelikulang Ang Babae sa Septic Tank sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival.

Sa New Breed Category, ito ang pinarangalang best film at nakuha rin nito ang best director at best screenplay at best actress pa si Eugene Do­mingo.

Magandang birthday gift ito para kay Uge na malapit nang mag-celebrate ng kanyang 40th birthday.

Pero ang pinakawagi sa awards night nung Linggo ng gabi ay si Atty. Joji Alonzo dahil bukod sa Septic Tank na prinodyus nito, wagi rin sa Directors Showcase na best film ang pelikula niyang Bisperas.

Isa sa mga sidelights sa naturang awar­ding ay bahagi ng acceptance speech ni Eugene, nagpahayag itong pinapatawad na nilang mga theater actors si Rafael Santos na nagpahayag ng maanghang na komento laban sa mga taga-teatro.

PAK: Totoo kayang nagmaldita si Gretchen Barretto sa reporter ng In The Limelight nang interbyuhin sana ito sa awards night ng Cinemalaya?

Habang ini-interview ng taga-ABS-CBN si Gretchen, sumingit ang reporter ng In The Limelight para tanungin ito tungkol sa pagbabati nila ni Claudine Barretto.

Tinanong nito ang reporter kung taga-saan ito, sinagot siyang taga-GMA 7. Sinabihan niyang ayaw niyang magpa-interview dahil taga-Dos siya at late kasi itong reporter.

Napahiya ang pobreng reporter sa mga kasabay niyang nag-interview sa kontrobersiyal na aktres.

BOOM: Tiniyak ni Suzette Ranillo na darating si Nora Aunor sa bansa pero hindi lang niya masasabi sa ngayon kung kailan.

Ang daming petsang naglabasan pero ngiti lang ang sagot ni Suzette nang tinanong tungkol dito.

Mabuting hintayin na lang ang announcement dahil ilang araw na lang ang bibilangin, sabi niya.

Ang isa sa mga dahilan kung bakit naantala ang pagbalik niya dahil hindi pa-ganun kaplantsado ang dapat na gagawin niya rito at kung ano ang susunod na gagawin niya pagkatapos.

Pero hindi pa masasabing dito na siya uli para harapin ang kanyang showbiz career.

 “Kasi si Guy nga­yon permanent resident na sa Amerika. Pero excited siyang bumalik, gumawa ng pelikula at makita ang kanyang mga fans.

“Siguro after her project here, babalik muna siya ng Amerika, then mas madalas na siyang umuwi ngayon,” pahayag ni Suzette na isa sa mga taong malalapit sa Superstar.

                                     

Show comments