MANILA, Philippines - Para simulan ang taunang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) games ng may “malinis na kamay,” maaari nang bilhin ang limited edition ng UAAP Hand Sanitizers sa susunod na buwan sa mga Watsons outlets sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon. Kamakailan lang ay nagsanib-puwersa ang Watsons, ang isa sa pinaka-pinagkakatiwalaang pangalan sa “health and beauty retail” sa buong mundo, at ABS-CBN Licensing para sa produktong ito. Ang mga hand sanitizer holders, na maaaring isabit sa mga bag ay may walong pagpipiliang kulay na kumakatawan sa walong unibersidad na kasapi sa UAAP—Blue Eagles, Green Archers, Fighting Maroons, Growling Tigers, Tamaraws, Red Warriors, Bulldogs, at Soaring Falcons. Sa bawat hand sanitizer na bibilhin, may bahagi na mapupunta sa pondo ng UAAP para sa mga atletang iskolar nito.
Nasa litrato sina ABS-CBN Licensing Head Karen Coloma at Leo Katigbak na head of special projects-Office of the President, at Watsons Personal Care Stores, Inc. (Philippines) Chief Operating Officer Robert U. Sun, Health Business Unit Director Lyle Joseph A. Morrell, at Marketing Director Ma. Victoria H. Encarnacion.