MANILA, Philippines - Nalaman na ni Dianne ang pagtataksil sa kanya ng fiancé na si Raymond at mismong best friend na si Kayla. Huling-huli niya ito sa akto, habang nasa loob ng katawan ni Ysabel, na nagyakapan at papasok sa isang hotel room. Dito niya tuluyang naalala na sila pala ang dahilan ng kanyang pagkaka-aksidente.
Talaga namang nadurog ang puso ng bida dahil malinaw na hindi busilak ang pagmamahal at alok na kasal sa kanya ng binata. Sa rebelasyong ito, ilalaban pa ba ni Dianne na makuha ang tatlong luha para muling mabuhay? O ang buhay ba para sa kanya ay tuluyan ng mawawalan ng saysay? Ito ang takbo ng kuwento ngayong Linggo sa Pure Love, Lunes hanggang Biyernes ng gabi, pagkatapos ng The Biggest Loser Pinoy Edition sa first and true home of Asianovelas, ang ABS-CBN.