LONDON — Natagpuang patay nitong Sabado ang British singer na si Amy Winehouse sa loob ng kanyang flat sa north London, ayon sa pulisya.
Bago nasawi, nagumon sa alak at droga ang 27-anyos na Grammy award-winning singer.
Hindi pa maipaliwanag ang sanhi ng pagkamatay ni Winehouse habang isinusulat ito.
Sinabi ng pulisya na wala nang buhay ang singer nang matagpuan nila ang katawan sa bahay nito sa Camden Square.
“Patuloy na sinisiyasat ang kanyang pagkamatay. Hindi pa ito maipaliwanag sa ngayon,” sabi ng London Ambulance Service na unang tinawagan para sumugod sa flat.
Sumikat si Winehouse matapos manalo ng limang Grammy awards kaugnay ng kanyang 2006 second album na Back to Back at hit single na Rehab.
Napapabalita ang magulong buhay ni Winehouse dahil sa pagkagumon niya sa alak at droga. Naipasok na siya sa isang addiction treatment clinic sa London sa loob ng isang linggo.
Pero inatrasan ni Winehouse ang kanyang European comeback tour kasunod ng palpak na opening performance sa Serbia noong Hunyo 18. Kinantiyawan siya sa kanyang show sa Belgrace dahil hindi siya makakanta nang maayos bunga ng kanyang kalasingan.