DZMM, naging tulay sa pagbabalik ng tapat na taxi driver ng mga sapatos ni Ruffa

Manila, Philippines - Mistulang Cinderella ang aktres at TV host na si Ruffa Gutierrez sa prog­ramang Aks­­yon Nga­yon sa DZMM, matapos ma­iba­lik sa kaniya ang mga mamahaling sa­pa­­­­tos na naiwan ng ka­­­ni­yang assistant sa taxi na minamaneho ni Ariel Dalangin. Sa DZMM tumakbo si Ariel noong Martes (Hulyo 19) matapos matagpuan sa kaniyang sasakyan ang anim na pares ng sapatos, na ayon kay Ruf­fa ay nagkakahala­ga ng $4,000 sa kabuu­an. Lubos naman ang pasasalamat ng aktres sa DZMM dahil aniya’y importante ang mga sa­pa­tos na ito sa kaniya. Na­payakap pa si Ruffa kay Ariel at binigyan din niya ito ng personalized card at kaunting halaga.

Samantala, niregaluhan din ng mga anchor ng programa na sina Kaye Dacer at Mayor Al­fredo Lim ng kaun­ting kagamitan sa pagmamaneho si Ariel.

Ito ang unang pagbi­sita ni Ruffa sa ABS-CBN sa loob ng 16 na buwan. ­

Show comments