^

PSN Showbiz

Indie films dinumog!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Talaga namiang bumubongga ang mga indie films, dinarayo ang ginaganap na Cinemalaya Film Festival sa CCP at maging sa ilang sinehan sa Makati.

Kasama na rin ako sa mga manonood ng mga pelikulang ipinalalabas dito.

Kagabi ay pormal nang nagtapos ang Cinemalaya Film Festival. Sayang parang lubhang napakaiksi ng festival nila.

Dapat sigurong dagdagan nila ng araw para mas marami pang makapanood nito.

Gusto kong sabihin na malaki na ang inunlad ng mga indie o ‘yung tinatawag na digital films natin. Kaya naman pala nag-uuwi sila ng karangalan from international film festivals.

Magaganda na ang mga istorya at ‘di tulad ng dati na kung sinu-sino lang ang mga artistang kinukuha, ngayon, may mga pangalan na at sikat na artista ang lumalabas sa mga ganitong pelikula.

Suportahan natin ang mga independent films natin, nakakattulong sila ng malaki para mapanatiling buhay ang industriya ng ating pelikula.

Mariel nagtatanggal ng stress

Sobra naman ‘yung mga nagsasabing dahil lang nahuling nagsisisigaw si Mariel Rodriguez sa kanyang dressing room ay sinabi na agad na ayaw na nitong magtrabaho, gusto na lang bumuntot sa kanyang asawa. Baka naman nagri-release lang ito ng tension, tao rin naman ang mga artista na napapagod din, nai-stress. 

CINEMALAYA FILM FESTIVAL

DAPAT

KAGABI

KASAMA

KAYA

MAGAGANDA

MAKATI

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with