Ex wife ni Ogie excited na rin sa panganganak ni Regine

Sa darating na November 22 nakatakdang isilang ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid and kanilang magiging unang supling ng mister niyang si Ogie Alcasid. Tulad ng inaasam ni Ogie, baby boy ang kanilang magi­ging first baby ng misis niyang si Regine at may nakahanda na silang pangalan, Nathaniel James (NJ) sa halip na Herminio III. May dalawang anak na babae si Ogie sa kanyang first wife na si Michelle van Eimeren na sina Leila at Sarah na parehong excited sa paglabas ng kanilang magiging baby brother. 

Kahit sa Australia naka-base ang dalawang anak ni Ogie with their mom at bagong mister nitong si Mark Murrow, Ogie makes it a point to visit them regu­larly at kadalasan pa nga ay kasama niya si Regine. Very close si Regine kay Michelle at sa bago nitong mister at close din kay Regine sina Leila at Sarah.

They’re just like one big family, Salve A. Kahit si Michelle ay excited sa magiging unang baby nina Ogie at Regine.

Tiyak na magiging masaya ang 1st wedding anniversary celebration nina Ogie at Regine on December 22 dahil meron na silang bundle of joy na kasama.

Eddie Garcia walang planong laya­san ang showbiz

Wala sa bokabularyo ng veteran actor na si Eddie Garcia na nasa early 80s na mag-retiro.

Kaya pa naman niyang magtrabaho. Katunayan, daig pa ni Eddie ang ibang actor much younger than him kung pag-aalaga lamang sa katawan ang pag-uusapan. Ang sikreto ni Eddie, he takes everything in moderation.

Palibhasa’y mahusay siyang actor at professional sa kanyang trabaho, hindi siya nawawalan ng project. Pagkatapos ng Babaeng Hampaslupa na siyang nag-launch kay Alex Gonzaga sa pagiging isang dramatic actress, heto’t mapapanood na naman si Eddie sa bago niyang drama series, ang The Sisters na siya namang launching project ni Nadine Samonte sa bago niyang home studio.

Ruffa parating ginugulo

Wala ka bang napapansin, Salve A.? Everytime na nali-link si Ruffa Gutier­rez sa ibang guy ay nanggugulo ang ex-husband niyang si Yilmaz Bektas. May bagong guy na nali-link ngayon sa mommy nina Lorin at Venice na isang Portuguese na nag­ngangalang Eduardo (na kapanga­lan pa ng kanyang amang si Eddie Gutierrez) Fuertas.

Feeling ng marami, hindi pa rin talaga totally na­ka­kapag-move on ang dating mister ni Ruffa kahit may kung ilang taon na rin silang hiwalay at kahit kung kani-kaninong babae na rin ito nali-link.

Kung pera ang pag-uusapan, hindi ito problema kay Yilmaz pero hindi magpapasilaw si Ruffa sa kayamanan ng dating asawa para lamang makuha nito ang kustodiya ng kanilang dalawang anak. Kaya todo-kayod ang ate nina Richard at Raymond Gu­tier­rez para sa dalawang bata dahil ayaw niyang umasa ng sustento para sa mga ito.

Carlo Maceda may bagong asawa na

Alam mo, Salve A., 4 yrs. old na pala ang love­child ng hunk actor na si Carlo Maceda sa dating sexy actress na si Aleck Bovick na si Leonne. Ito’y ibinalita sa amin ni Carlo nang aksidente kaming magkita sa isang commercial shoot sa Ortigas Center office kung saan ang kanyang mga film equipments ang nirentahan.

At 33, marami pa ring young actors ang kayang pataubin ni Carlo kung maibabalik lamang niya sa kanyang dating 180 lbs. na timbang. Med­yo tumaba kasi si Carlo pero siya na rin mismo ang umamin na balik siya sa paggi-gym dahil gusto niyang balikan ang kanyang acting career na may apat na taon na niyang hindi ginagawa.

Bumalik kasi siya sa pag-aaral ng filmmaking sa UP kung saan din siya nagtapos ng dalawang kurso, ang B.S. Math at B.S. Administration.

Si Carlo rin ang nagbalita sa amin na nagpakasal na siya sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Derlyn Bethancort na isang Fil-American nurse. Na­kilala niya ito sa pamamagitan ng ak­tres na si Jodi Sta. Maria na kaibigan naman ni Derlyn. Ikinasal sila last December 10.

Bukod sa pagka­ka­­roon ng sariling pa­­mil­ya at negosyo, pi­na­sok na rin ni Carlo ang pagpu-produce under his own outfit, ang On-Cam Productions at ilan sa kanyang mga prinudyos ay mga indie films tulad ng Nars, Sisa, Kristo, Bangkang Papel, at Necro.   

Show comments