Marian at Heart mabenta sa Twitter
Nagti-trending hanggang kagabi sina Marian Rivera at Heart Evangelista sa Twitter.
Mainit pa rin na pinag-uusapan ang away nila, pero ayon sa kampo ni Marian, wala itong planong patulan pa ang mga sinasabing pasabog ni Heart dahil para raw dito ay tapos na ang naturang issue.
Maricel sa abroad nagpapa-check up
Nawala na sa eksena ang mga kasambahay ni Maricel Soriano na nagre-reklamo na minaltrato ng aktres. Natabunan na ang issue. Kaya parang makakalusot si Maricel sa issue na ‘to.
Balitang nasa abroad si Maricel at ‘nagpapa-check up.’
Nora Aunor may atraso kay Che Che Lazaro?
Parang batong ipupokpok sa ulo ang tingin ng marami sa pagpapabalik ng TV5 kay Nora Aunor.
Sana raw ay magtanung-tanong muna ang TV5 sa mga ginawa ni Nora na hinintay pala ng mga fans sa airport noong madaling-araw ng Huwebes.
Bakit hindi raw tanungin si Ms. Che Che Lazaro na may masamang karanasan sa aktres.
Hmm. Anik kaya ‘yun.
Hahataw na
Hahataw na ang You Tube sensation na si Maria Aragon bukas sa ASAP Rocks, 12:15 p.m. Yup isa na siyang certified Kapamilya.
Matutupad na rin ang matagal na niyang pangarap na makasamang mag-perform sina Martin Nievera, Piolo Pascual, and Sarah Geronimo.
“I really wanna perform with Piolo, Sarah. And I really don’t know why but I really want to meet Martin Nievera because he seems to be a really, really cool guy,” sabi ng bagets na sumikat sa kantang Born This Way ni Lady Gaga.
Magri-record na rin siya ng album for Star Records.
Madali ang naging pagsikat ni Maria nang i-link ni Lady Gaga sa kanyang Twitter account ang video ni Maria. Eh ang dami niyang followers. So parang viral ang pagkalat ng video at umabot sa 38 million ang nag-view.
Bukod dun, naka-duet na rin niya si Lady Gaga, ang Prime Minister ng Canada at nag-peform siya sa harap ng royal couple - Prince William and Katherine Middleton noong araw ng Canada.
At ngayon ngang linggo, kasama na siya sa ASAP Rocks. Bukod kina Piolo, Sarah and Martin, makakasama rin niya sina Gary Valenciano at Sam Milby.
Idagdag pa ang vocal face off mula kina Martin, ZsaZsa Padilla, Yeng Constantino, Erik Santos, Marcelito Pomoy, Zia Quizon, Marie Digby, ASAP Sessionistas at si Maria nga.
Makapigil-hiningang dance showdown naman ang hatid nina Kim Chiu, Maja Salvador, Empress, Nikki Gil, Iya Villania, Shaina Magdayao, Erich Gonzales, Jessy Mendiola, Enchong Dee, Melai Cantiveros, Rayver Cruz, Gab Valenciano, Good Vibes stars Sam Concepcion, Bret Jackson and James Reid, XB Gensan, Freestylers, G-Force at birthday celebrator Diether Ocampo.
Adrenalin rush naman ang hatid ng mga hardcourt hotties na sina David at Anthony Semerad ng San Beda Lions, Kirk Long at Nico Salva ng Ateneo Blue Eagles at mula sa De La Salle Green Archers bibida sina Joshua Webb at ang na-lilink kay Kim Chiu na si Simon Atkins.
Magkita na kaya finally dito sina Kim and Simon?
Siguro naman.
Team captain ng DLSU tankers join na rin sa showbiz
Mula sa pagiging swimmer at team captain ng DLSU Tankers (DLSU-M Swimming Team), excited si Mike (Michael Advincula) sa finalis ng MYX VJ Hunt 2011. Yup, sumabak na ang manlalangoy ng DLSU sa showbiz.
“Joining the MYX VJ hunt is my first step siguro to try showbiz. Kung susuwertehin, baka ituloy ko na rin. Pero kung hindi naman, marami pa namang puwedeng gawin. So far, I’m enjoying it. Masaya pala ang showbiz. Ibang-iba sa paglalangoy. Ha-ha-ha!” kuwento ni Mike.
Inamin ng binata na hindi talaga niya inambisyong maging artista at pasukin ang showbiz noon hanggang dumating ang time na kinumbinse siya ng mga kaibigan na mag-audition sa MYX VJ hunt.
“Fascinated ako sa mga artista at ang taas ng tingin ko sa kanila. Parang astig sila na mahirap abutin. Hindi ako nababaduyan sa kanila. In fact, I admire them, kasi parang ang hirap ng ginagawa nila and yet parang simple lang para sa kanila.”
Si Toni Gonzaga ang showbiz crush ni Mike. Gusto kasi niya ang babaing malakas ang sense of humor at kaya siyang patawanin.
“Crush lang naman, eh! Pinapanood ko ang mga movies niya. Kaya lang, taken na siya. Pero okey lang. Basta I just want her to know na crush ko siya talaga,” natatawang hirit ng binata.
Graduate ng La Salle si Mike at ngayon ay nagma-masters na siya.
Kuwento pa ni Mike dati siyang dambuhala as in puwede sa Pinoy Big Loser – sa edad na 11, 200 lbs na siya. Four years ago nang pumayat siya nang husto.
Sa July 27 na gaganapin ang finals night ng MYX VJ Hunt sa The Block, SM North Edsa. Marami ang nag-i-expect na mananalo si Mike.
Para iboto si Mike, i-text ang mYX VJ12 sa 2331 (Globe-Sun) o sa 231 (Smart).
- Latest