Weird, Mark Anthony gustong makasama sa mga puputukan ng Taal volcano!

Kausap namin si Mark Anthony Fernandez sa taping ng Munting Heredera at muli na naman naming narinig sa kanya na kulang pa ang kanyang pagka-actor dahil never pa siyang nananalo ng acting award. For someone na itinuturing na isa sa ma­galing na actor, wala pa siyang acting award.

Magandang bonus kay Mark ang five week extension (may nagsabing 10 week na) ng MH dahil mas matagal niyang makakasama ang three kids na gumaganap na mga anak niya sa soap. Friends daw niya ang tatlo at maganda ang kanilang rapport, kaya mabilis natatapos ang mga eksena niya sa tatlo.

Nagulat kami sa sinabi ni Mark na gusto niyang magtrabaho bilang assistant director for extra income and for fun, pero hindi niya inasam maging director.

 “No directing for me, okey na ako as AD. Usapan namin ni Direk Maryo, three to four years, siya na si Peque Gallaga at ako si Lore Reyes,” ani Mark.

Pangalawang panggulat na statement ni Mark ay ang gustong makabili ng bahay sa Tagaytay, hindi para gawing rest house, may iba siyang rason. 

 “Gusto kong magka-bahay sa Tagaytay para pagputok ng Taal volcano kasama ako at langit kaagad.”

GagawinG project ng actress pinag-iisipan na

Kahit hindi kami involve pero excited kami sa binubuong konsepto ng drama series na gagawin ng isang comebacking actress sa isang network. Ang ganda ng tatakbuhin ng istorya at isa sa aabangan ay magiging reunion nila ito ng isa sa mga taong malaki ang impluwensiya sa career at pagiging aktres nang tinutukoy namin.

Kinonsider ding kunin bilang kapareha ng aktres ang isa sa mga aktor na madalas niyang makatambal dati, pero dahil one day lang kukunan ang eksena, hindi na itinuloy ang pagkuha sa aktor dahil sayang nga naman. For another project na lang ang balik-tambalan ng magaling na aktres at dating nakakapareha.

Hindi pa nababasa ng aktres ang script, pero siguradong magugustuhan nito ang material dahil maganda, kakaiba at magiging reunion nila ng isang taong malapit sa kanya.

Richard at Judy Ann tuloy ang pagsasamahang pelikula

Last taping day ng Captain Barbell this Friday. Pero hindi mababakante ng matagal si Richard Gutierrez kahit tapos na ang taping ng series dahil marami siyang naka-line-up na trabaho.

Ten days lang siya pinayagang magpahinga at pagbalik, paghahandaan na ang Season 4 ng Survivor Philippines. May gagawin din siyang environmental special sa GMA News & Public Affairs at itutuloy ang Anatomy of a Disaster.

Panay-panay din ang meeting ni Richard sa GMA Films, kung saan siya may movie contract. Inaalam namin kung anong project ang gagawin ng aktor at kung sino ang makakapareha dahil nabalitang magtatambal sila ni Judy Ann San Santos. Aalamin namin ang playdate ng movie at kung tuloy din ang paggawa nila ng movie ni Angel Locsin na balitang sila rin ang producers.

Show comments