^

PSN Showbiz

Rufa Mae ginawang sinungaling ni Heart

- SEEN SCENE -

Seen : Ang paglilinaw ng kampo ni Heart Evange­lista na dalawang airport personnel lamang at hindi mga pulis ang kasama ng kanyang ina nang sunduin siya noon sa domestic terminal ng Centennial airport. Nagmistulang sinungaling si Rufa Mae Quinto sa sinabi nito sa presscon ng Temptation Island na ipinagtapat sa kanya ni Heart na lima lamang at hindi labinlimang pulis ang kasama sa airport ni Mrs. Cecile Ongpauco.

Scene : Businessman at hindi cosmetic surgeon si Joey Santos, ang ex-boyfriend ni Dra. Vicki Belo. Mali ang report ng isang broadsheet na cosmetic surgeon si Joey, ang lalake na ipinagpalit ni Dra. Belo kay Hayden Kho, Jr.

Seen : Ang mga handler ni Nora Aunor ang sinisisi ng blinded Noranians sa hindi natuloy na pag-uwi sa bansa ng kanilang idolo. Bulag sila sa katotohanan.

Scene : Hindi namataan si Jay-R sa Wednesday night birthday party ng kanyang manager na si Arnold Vegafria.

Lumakas ang bulung-bulungan na gusto nang umalis ni Jay-R sa poder ni Arnold.

Seen : Ang mga suggestion na ang Ang Babae sa Septic Tank ang isali ng Pilipinas sa Foreign Language Category ng Oscar Awards sa susunod na taon.

Scene : Ang Talentadong Pidol ang mapapanood sa timeslot ng Talentadong Pinoy sa darating na Linggo. Ang Talentadong Pidol ang birthday special ni Dolphy sa TV5.

Seen : Busy sa pagpapadala ng hate e-mails laban sa ABS-CBN ang fans nina Kim Chiu at Ge­rald Anderson.

Nalimutan nila na ang ABS-CBN ang nagpasikat sa loveteam nina Kim at Gerald.

Scene : Mapapanood si Marria Aragon sa mga show ng ABS-CBN. Mananatili si Marria sa Pilipinas hanggang sa September.

Si Marria ang teen-age Fil-Canadian na napansin ni Lady Gaga nang i-post sa Youtube ang cover version niya ng Born This Way.

vuukle comment

ANG BABAE

ANG TALENTADONG PIDOL

ARNOLD VEGAFRIA

BORN THIS WAY

CECILE ONGPAUCO

DRA

FOREIGN LANGUAGE CATEGORY

HAYDEN KHO

HEART EVANGE

JAY-R

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with