Nalungkot naman ako na kung si Nora Aunor ang masusunod, ayaw na niyang bumalik pa ng Pilipinas. Ito ang naging impresyon ko after mapanood ko siya sa isang interview na ipinalabas sa SNN nung Martes ng gabi.
Hindi ko na mababalikan ’yung kumpletong salitang binitawan niya pero nasaktan ako sa sinabi niyang kung hindi lamang niya nami-miss ang kanyang mga kapatid, ang orihinal niyang pamilya at maging ang kanyang mga anak, mananahimik na lang siya sa Amerika.
Paano siya nakapagsalita ng ganun eh aware naman siya na napakaraming fans niya ang naghihintay sa kanya at umasang makikita pa siyang muli?!
Babalik daw siya ngayon (Huwebes) kaya ang daming naghihintay sa kanya. Sabi ng isa niyang malapit na kaibigan duda siya rito.
Sa rami ng komunikasyon niya (kaibigan) with her, ilang ulit din siyang nabigo.
Niloloko ang sarili…
Hindi naman ako maniwala na hindi n’yo alam na si Fernando Poe, Jr. (FPJ) ang nanalo nung tumakbo siya sa pagka-pangulo ng Pilipinas — na nadaya lamang siya. If this is the case, niloloko n’yo lang ang mga sarili n’yo.
Ngayong meron na itong pagkakataon na mapatunayan, I’m so glad dahil FPJ did not die in vain.
Tulad ng pananalig ko ngayon kay P-Noy, umasam din ako na mababago ng Hari ng Aksyon ang buhay sa Pilipinas sa sarili niyang pamamaraan. At least sa pamumuno niya, mahirap man ang magin
Tama ang pamilya ni FPJ, hindi man siya naging pangulo ng bansa, kapag napatunayan ang dayaan, malalagay sa kasaysayan ng bansa ang kuwento ng isang lalaking artista na dinaya para hindi maging pangulo ng bansa.
Ronaldo at Amy Iniyakan
’Yung eksena nung Martes ng gabi sa Minsan Lang Kita Iibigin nina Ronaldo Valdez at Amy Austria-Ventura ay tatatak sa kaisipan ng manonood bilang isa sa pinakamagandang eksena na ginawa sa telebisyon. Medyo alanganin sa kanyang eksena ang ama ni Janno Gibbs pero marahil, that was his way of acting his role, walang masyadong arte pero tumatak sa puso ng mga manonood.Atasha pasok sa the Sound of Music
Artista na rin ang isa sa mga kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Atasha. Nag-audition ito at pumasa naman para sa stage play na The Sound of Music bilang isa sa mga ward ni Maria na ginampanan sa pelikula ni Julie Andrews. Magiging isa ito sa Von Trapp children na pinamunuan ni Christopher Plummer. Sana Maulit Muli ang kantang ipinag-audition ni Atasha.