^

PSN Showbiz

Dayanara Torres ayaw makisawsaw sa hiwalayang Jennifer Lopez at Marc Anthony

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Tama lang na mag-no comment si Dayanara Torres sa isyu ng paghihiwalay nina Jennifer Lopez at Marc Anthony.

Enough na ’yung napagdaanan niya ang mga bago pa lang na karanasan na pinagdadaanan ni Jennifer ngayon. Dinamdam ng husto ni Dayanara ang divorce nila noon ni Marc Anthony pero naka-move on na siya. Pareho sila ni Jennifer na may dalawang anak kay Marc Anthony na feeling God’s gift to women dahil magagandang babae ang kanyang mga nakakarelasyon.

Si Jennifer ang ipinalit ni Marc Anthony kay Dayanara at ang duda ng mga tsismosa, humahalakhak nga­yon sa tuwa ang ex-Miss Universe na napamahal na sa mga Pilipino.

O ’di ba, kung makapag-react ako, parang katsikahan ko sina Dayanara, Jennifer, at Marc A.?

Hindi na bago...

What else is new? ’Yan lang ang reaksiyon ko sa balita na hindi natuloy ang ‘I shall return’ ni Nora Aunor sa ating bayang magiliw.

Very true ang dialogue ng isang nakakakilala sa tunay na ugali ni Nora. Dapat paniwalaan ng kanyang fans na uuwi siya ng Pilipinas kung naririto na siya at umaapir na siya sa Walang Tulugan with Master Showman program ni German Moreno.

Sa dami ng mga TV shows sa Pilipinas, tiyak na ang Walang Tulugan ang isa sa mga unang pupuntahan ni Nora dahil magkapatid na ang tu­ringan nila ni Kuya Germs sa isa’t isa.

Mga pelikula ng Cinemalaya may clamor na ipalabas sa mga sinehan

May clamor na ipalabas sa mga sinehan ang mga pelikula ng Cinemalaya 2011 dahil hindi lahat eh may oras na pumunta sa Cultural Center of the Philippines o Greenbelt 3.

Malaki ang posibilidad na ipalabas sa mga commercial theaters ang Cinemalaya films, lalo na ang mga pelikula na pinupuri dahil sa ganda ng pagkakagawa.

Intrigang-intriga ako sa Ang Babae sa Septic Tank dahil puring-puri ito ng mga nakapanood. Sa rami ng positive at rave reviews sa pelikula ni Eugene Domingo, asahan natin na ipalalabas ito sa mga sinehan sa malls.

Mag-Ina ni Alfred lumipad na pa-Italy

Lumipad na sa Italy ang mag-ina ni Quezon City Councilor Alfred Vargas. Susunod na lamang si Alfred sa Italy dahil tatapusin muna niya ang sangkatutak na commitments at trabaho sa City Hall.

Isisilang ni Yasmine sa October ang second baby nila ni Alfred. Malamang na doon na rin mag-celebrate ng birthday ang kanilang panganay, pati na rin si Alfred dahil magkasunod ang petsa ng mga kaarawan nila.

Mga sapatos ni Ruffa $4,000 lang ang halaga

May correction please si Ruffa Gutierrez, four thousand US dollars at hindi halos kalahating milyon ang halaga ng mga sapatos niya na naiwanan sa loob ng taksi pero na-recover din dahil matapat ang taxi driver.

Instant celebrity si mamang tsuper dahil kinunan ng ABS-CBN news ang pagtatagpo nila ni Ruffa.

Nangyari kahapon ang paghaharap nila sa radio program nina Kaye Dacer at Mayor Alfredo Lim dahil sa kanila isinoli ang mga sosyal at mamahaling sapatos.

ALFRED VARGAS

ALFREDO LIM

CINEMALAYA

DAHIL

DAYANARA

JENNIFER

MARC ANTHONY

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with