Dalawang Wild Card contestants, nagbalik sa Biggest Loser Camp

MANILA, Philippines - Sunud-sunod  ang  pasabog sa mas tumitindi pang kompetisyon ng mga Bigating Pinoy sa The Biggest Loser Pinoy Edition na napapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Kasunod  ng  pagpapauwi  kay Joy Siy sa pinakahuling elimination ceremony, ipinasok naman sa Biggest Loser Camp ang dalawang wild card contestants na sina Andy at Leigh.

Unang  nakilala ang dalawa sa wild card challenge na naipanalo nina Destiny at  Larry noong  simula  pa lang ng programa. Lingid sa kaalaman ng lahat, patuloy  ang  pagti-training  ng  dalawa  sa  labas  ng camp at nakatakdang bumalik para hamunin ang mga “original” na Bigating Pinoy.

Ngayong  linggo,  tatapatan  nina  Andy  at  Leigh sina Ryan at Angela, ang dalawang nangulelat sa Deadly Tons challenge para sa The Big Challenge. Dito  sasabak sila sa tatlong hamon para sa kapangyarihang piliin kung sino ang lalaban kina Andy at Leigh sa susunod na weigh-in.

Importanteng  maipanalo  ito  nina Ryan at Angela para masiguradong mala­kas ang dalawang pantapat ng mga original bigating Pinoy kina Andy at Leigh sa darating  na weigh-in.  Kung  manalo kasi sina Andy at Leigh sa bawasan ng timbang,  ligtas sila sa eliminasyon at ang dalawang nasa ilalim ng yellow line na original bigating Pinoy ang haharap sa botohan.

Samantala, nananatili namang masigasig si Joy maski lumabas na sa camp. Si Winwin ang nakatapat  niya  sa  elimination  ceremony, at tila nanaig ang da­ting grupo-grupo nila dahil mga dating Red Team ang bumoto sa kanya.

Gayunpaman,  masayang  ibinalita ni Joy na nakapagbawas na siya ng 4 lbs sa kanyang  sariling  pagsisikap.

Hindi  rin maitago ni Joy ang pagkagiliw sa trainer ng dating Blue Team na si  Coach  Jim  Saret.  Aniya,  hanga  siya  sa  pagka-cool  at sa pagiging non-tra­ditional ng mga fitness routine ng fitness expert. Tinuruan daw siya nito na maaaring ngumiti tuwing workouts at mag-enjoy.

Bukod  kay  Coach  Jim,  napamahal  din daw sa kanya ang host na si Sharon Cuneta

Show comments