Bagets na artistahin ang hitsura nang kayakap ng isang Metro Manila mayor sa picture na ipinadala sa akin ng isang kakilalang nakabase sa abroad. Yakap-yakap niya ang babae sa kama. Nakabihis na sila kaya obviously, katatapos lang ng maliligayang oras nila.
May asawa ang nasabing Metro Manila mayor at may mga anak kaya siguro sa abroad siya gumagawa ng milagro.
Bagets ang babae at mukhang sunod sa luho kay Papa Mayor. Kuhang-kuha sa picture nila na magkapulupot ang isang branded bag na gamit ng tsitsing ni Mayor.
Long hair si girl at mga 20 anyos lang ang edad.
Ang clue : hindi pa naman katandaan si Mayor. Nakasalamin siya parati.
Bagong Sarah at Gerald movie, kasado na
Si Gerald Anderson na ang makaka-partner ni Sarah Geronimo sa gagawin niyang pelikula sa Star Cinema. Magsisilbing follow up movie ito ng dalawa pagkatapos kumita sa takilya ang Catch Me I’m In Love.
Mas mauuna na raw kasing gawin ni John Lloyd Cruz ang movie with Angel Locsin.
Wala pang script na hawak si Mr. Vic del Rosario para sa panibagong tambalan nina Sarah at Gerald.
Siguradong masaya sa balitang ito si Gerald na balitang niregaluhan si Sarah ng Hermes bag after ng malaking tagumpay ng kanilang unang pelikula.
Kung maraming kinilig kina John Lloyd at Sarah noon, marami rin naman ang sobrang kinilig sa tambalan nina Sarah at Gerald.
Sure din naman daw ang pagbabalik tambalan ng pop princess at ng BF ni Shaina Magdayao pagkatapos ng pelikula nila ni Gerald.
Samantala, platinum na ang One Heart album ni Sarah. Last Sunday, dalawang plaque ang ibinigay sa kanya ng Viva Records sa ASAP Rocks kasi nang mag-gold daw ang album, wala siya sa bansa so pinagsabay na lang last Sunday.
Ibinalita rin ni Boss Vic na sold out ang What Love Is concert nina Sarah and Martin Nievera sa Iloilo at Cebu City.
Yup, tuluy-tuloy ang provincial tour ng dalawa para sa What Love Is na nagsimula sa kanilang Valentine concert sa Araneta Coliseum last February.
Regine hindi naalala ang mga kapwa kapuso, mas pinaboran si Angeline?
Hindi naman kaya mag-react ang mga alagang singer ng GMA 7 matapos sabihin ni Regine Velasquez na si Angeline Quinto ang susunod na superstar?
Bakit nga naman taga-kabilang network ang dineklara niyang susunod na superstar na kung tutuusin ay wala pa namang pinatutunayan maliban sa sold out concert nito sa Sky Dome kamakailan. Maliit lang naman ang venue para maging basehan ‘yun.
Bakit hindi si Francheska Farr ang sinabihan ni Mrs. Ogie Alcasid nun? Pinu-push ng GMA Artist Center si Francheska.
Sobrang bumilib lang siguro si Regine kay Angeline kaya kahit buntis na buntis ay talagang nakipag-duet sa nanalong singer sa Star Power show ni Sharon Cuneta at may ganun pang dialogue.
Pagdating ni Nora, magulo
So false alarm ang pinag-uusapang pagbabalik sa bansa ni Nora Aunor.
Si Kuya Germs Moreno ang nagbalita sa kanyang radio program na nag-text sa kanya si Ate Guy at sinabi raw nitong hindi totoong babalik siya ng bansa sa Huwebes.
Actually, ang sabi ni Kuya Germs alam daw niya ang pinag-uusapang pag-uwi nito ng ‘Pinas sa Huwebes pero hindi niya ipinagmakaingay dahil nga mas maiging hintayin ang pagdating niya dahil wala ngang kasiguraduhan. Kaso nai-press release na agad.
So nag-expect ang marami na totoo na ang nasabing pagbabalik bayan ng superstar.
Pero sa kabila ng denial ni Kuya Germs, biglang may nag-text. Sure na raw ang pag-uwi ng superstar at may ticket na ito sa kanyang pagbabalik-bayan.
Ang gulo naman.
Basta. Hintayin natin ang Huwebes kung darating ba siya o hindi.
Siguro naman hindi bababa ang presyo ng gasoline kahit hindi siya makarating.