Martin namumutok ang pisngi at tiyan

SEEN: Ang guesting kahapon ni Amanda Collin sa Paparazzi ng TV5. Sa paglantad ni Amanda, may mga nakumbinsi na hindi totoo ang kanyang alegasyon na ni-rape siya ng mga members ng Philippine Azkals.

SCENE: Poor quality ang lighting ng Manny Many Prizes sa AFP Theater. Sabog sa TV ang kulay ng game show ni Manny Pacquiao.

SEEN: Overweight si Martin Nievera at ebidensya ang kanyang namumutok na pisngi at malaking tiyan.

SCENE: Inaayos na nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto ang mga papeles upang maging legal na ang adoption sa kanilang “anak” na si Kiel.

SEEN: Si Gretchen Barretto sa opening ng 7th Cinemalaya Independent Film Festival.

Suportado ni Gretchen ang Cinemalaya dahil project ito ng kanyang live-in partner na si Tonyboy Cojuangco.

SCENE: Ang mga Kapuso at Kapamilya stars sa grand birthday party ni TV5 owner Manny Pa­ngilinan ang present. Sila ay sina Sharon Cuneta, Kris Aquino, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez.

SEEN: May tweet kahapon si Robin da Roza na gay siya. Walang naniniwala sa tweet at may suspetsa na may nang-hack sa kanyang Twitter account.

SCENE: Umamin si Ruffa Gutierrez na matagal nang hindi nagpapadala ng sustento sa kanilang dalawang anak ang kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas.

Show comments