^

PSN Showbiz

Yilmaz mahihirapang makuha ang mga anak sa Gutierrez Family

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi naman pala good friends sina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas. Civil lamang sila sa isa’t isa at hindi masyadong nag-uusap sa telepono.

Nanggaling ang impormasyon mula kay Raymond Gutierrez, ang younger brother ni Ruffa na nagsabi na hawak ng kanyang ate ang full custody ng mga pamangkin niya, sina Lorin at Venice.

Mahihirapan si Yilmaz na makuha ang dalawang bagets dahil daraan siya sa butas ng karayom. Hindi papayag ang Gutierrez Family na madala niya sa Istanbul, Turkey ang dalawang bagets.

Tween stars nagsisipag nang mag-ikot

Sa susunod na buwan pa ang playdate ng Tween Academy Class of 2012 ng GMA Films pero ang sipag-sipag nang mag-promote ng mga artista ng pelikula.

Nag-guest sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio sa Startalk noong Sabado para sa promo at kahapon, ang love team naman nina Bea Binene at Jake Vargas ang umapir sa Showbiz Central.

Ganyan kasipag ang stars ng Tween Hearts. Gagawin nila ang lahat para maging blockbuster ang kanilang pelikula.

Manny, Pambansang Ninong Na

Siyempre, pinanood ko ang pilot episode ng Manny Many Prizes noong Sabado at na-excite ako sa mga datung na ipinamigay ni Manny Pacquiao sa mga lucky contestants.

Bumaha ng pera sa AFP Theater dahil sa libu-libong datung na ipinamudmod ni Manny: May P25, 000, P10,000, at P5,000. Hindi ko na na-compute ang cash prize na pinakawalan ng game show ni Manny dahil sa rami.

Kung ganoon kalaki ang mga pera na ipamimigay ng Manny Many Prizes, talagang susugurin at dudumugin sila ng mga tao.

Next week, baka iba na ang venue ng show dahil nagmistulang maliit ang malawak na AFP Theater dahil sa laki ng audience.

Kahit siguro sa Araneta Coliseum idaos ang Manny Many Prizes, mapupuno ito ng audience dahil sa kagustuhan ng ating mga kababa­yan na mag-win ng many, many prizes.

Godfather na godfather si Manny sa unang episode ng Manny Many Prizes. Ninong na ang tawag kay Manny ng lahat dahil sa kanyang generosity.

Kapag natapos na ang paghahari ni Manny sa boxing, Pambansang Ninong na ang itatawag sa kanya, hindi na Pambansang Kamao.

Amanda nagpa-tweetums lang sa interviews

Naglagare si Amanda Collin sa mga showbiz talk shows kahapon. Napanood ko siya sa Paparazzi at Showbiz Central.

Ano ang feeling ko sa ginawa ni Amanda? Nairita ako dahil puwede naman pala na ibalandara sa TV camera ang mukha niya, todo-proteksiyon pa ang ginawa sa kanya ng Startalk.

Nabalewala ang advice ng legal counsel ng the who na babae dahil kaliwa’t kanan ang kanyang pagpapa-interbyu tungkol sa kiyeme-kiyemeng rape issue na nagsasangkol sa four team members ng Philippine Azkals.

Ang nakakaloka, walang masyadong sinabi si Amanda sa mga interbyu sa kanya as in nagpa-tweetums lang siya. May dahilan ang fans ng Team Azkals na maimbiyerna.

vuukle comment

AMANDA

AMANDA COLLIN

ARANETA COLISEUM

BARBIE FORTEZA

BEA BINENE

DAHIL

MANNY

MANNY MANY PRIZES

SHOWBIZ CENTRAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with