Rufa Mae nag-iba na ang taste sa lalaki

Mula sa kanyang mga sikretong karelas­yon, kay Boy 2 Quizon naman idinadawit ang pangalan ni Rufa Mae Quinto.

Maging ang lola ng sexy star ay naniniwalang may relasyon na namamagitan sa kanyang apo at sa apo ni Dolphy dahil madalas daw sa kanilang bahay si Boy 2.

Baka naman talagang close friends lang ang dala­wa. Hindi naman porke madalas na sa bahay ng isang babae ang isang lalaki ay may relasyon na sila. Let’s give them the benefit of the doubt and believe na magkaibigan lang sila. Not unless na uma­min sila na may namumuong relasyon sa kanila.

Moralista walang imik sa mga nagbilad ng katawan sa victory party ng mens mag

Ano kaya ang reaksiyon ng mga moralista na nagpapatanggal ng mga billboards sa mga national highways na nagtatampok sa mga modelong mga seksi ang suot sa ginanap na victory celebration ng isang men’s magazine na kung saan itinampok ang mga napiling 100 pinaka-seksing babae sa mundo?

Parang nagsawa ang lahat ng dumalo at nanood ng palabas sa rami ng mga rumampang babae na lahat ay nagpakita ng flesh sa suot nilang costumes?

Punung-puno raw ang venue ng mga kalalakihan na mahihilig sa mga ganitong palabas at maging ng mga babae na sigurado ako ay nangingimbulo sa mga dumaraan sa harap nila.

Matuldukan na sana

Ngayong nakabalik na ng bansa si Heart Evangelista, sana matuldukan na ang sigalot sa pagitan nila ni Marian Rivera. Para magkita man sila ay walang karahasang mangyari.

Napakaliit ng GMA 7 para hindi sila magkita.

Kaya ngayon pa lamang ay dapat mag-ayos na sila.

Show comments