Si Pepe Smith ang peg ni Diether Ocampo sa role ng rock star na si Jacci Rocha sa pelikulang Rakenrol na closing film sa ginaganap na Cinemalaya. Sa July 23 ito gaganapin sa CCP, pero ang regular showing ay naurong sa September 7 at umiwas sa big foreign films na makakasabay sa playdate.
Sabi ni Direk Quark Henares sa presscon ng movie, original rock compositions ang kakantahin ni Diether at ng band nito sa movie at English speaking ang karakter nito, kaya may pagka-slang.
Nagulat pala si Diether na nalaman ng press na nagpatulong siya kay Kris Aquino na maghanap ng bahay sa Quezon City. Marami raw kakilalang brookers ang kaibigan at dito siya nagpatulong, kaya ‘wag nang bigyang kulay.
Kung matutuloy, posible ring mag-collaborate sina Diether at Kris sa pagpo-produce ng pelikula. Nagtayo siya ng movie production company at gusto niyang epic at historical project na gagawing contemporary. Nag-usap na rin sila nina Direk Chito Roño at Direk Paul Soriano para sa malaking proyekto.
Tinanong si Diether ni Kris kung anong gustong birthday gift, school room ang hiningi ni Diether para sa training center na bubuksan niya sa Bacoor, Cavite katulong si Bacoor Mayor Strike Revilla para sa mga ‘di nag-aaral.
Ynez sinuway ang gusto ni Gov. Mangudadatu
Friends pa rin sina Ynez Veneracion at Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu kahit two months na silang break. In fact, dinalaw pa ang aktres ng ex sa taping ng Munting Heredera last Friday para makita’t kumustahin.
Nagkakilala sina Ynez at Gov. Mangudadatu sa kampanya at sabi ng aktres, two weeks pa lang siya sa lugar ng governor, niligawan na siya nito at sinagot niya June last year, pero break na nga sila.
“Naging kami talaga, pero masyado kaming busy. Gusto niya sa Davao ako tumira, ayaw niya akong mag-artista, ayaw niya ng mga seksing damit. Pinapili niya ako, sabi ko friends na lang kami dahil ‘di ako sanay nakakulong.”
Mabait na tao raw ang ex, naging close siya sa mga anak nito at nag-offer ito ng kasal, pero hindi niya tinanggap. Nag-sorry din si Ynez kung bakit hindi siya makapag-kuwento dati for security reasons.
Anyway, sobrang saya si Ynez na napasama sa Munting Heredera, nabuhay uli ang pagka-artista niya na napahinga for three years.
Nanibago siya, feeling baguhan at namanhid ang mga kamay sa nerbiyos.
Hindi siya nakatulog after her first day taping and after one week pa siya nakapag-adjust.
Showbiz couple tuloy ang ligaya kahit nanggagalaiti ang fans
Tuloy ang paglabas-labas ng young showbiz couple kahit maraming fans ang nagre-react dahil may kani-kanya silang love team. Kamakailan, muli silang nakita sa favorite Bubble Tea branch nila sa may T. Morato, kaya lang, kahit medyo malalim na ang gabi, may nakakita pa rin sa kanila.
Hindi mapigilan ang paglalapit ng dalawa dahil love ang involve at mahirap itong pigilan. Pangit din kung pipilitin ang young actor na totohanin ang pakikipag-relasyon sa ka-love team kundi naman niya gusto at para lang pagbigyan ang fans.
Sana, tanggapin na lang ng fans ng young actor na iba sa career nito ang kanyang personal life para walang masaktan. Ganun din ang napupusuan niyang young actress na taga-kabilang network. Mabuting respetuhin na lang ang choice ng mga bagets, basta’t hindi naaapektuhan ang kanilang trabaho.
ALDEN HATAW SA PELIKULA
Siguradong masaya ang GMA Artist Center talent na si Alden Richards dahil kahit Party Pilipinas lang ang regular show, sunud-sunod naman ang ginagawang pelikula. This year, makakatatlong pelikula ang binata.
Una siyang mapapanood sa Tween Academy : Class of 2012 na August 24 ang playdate at kasama rin siya sa horror movie ng GMA Films pa rin, ang The Road. Nabalitaan naming kasama na rin siya sa MMFF entry na Panday 2, hindi lang namin alam kung ano ang role ni Alden.
Samantala, ilu-launch mamaya sa Party Pilipinas ang OST ng Tween Academy: Class of 2012 at lahat ng cast ay kumanta. Malalaman na kung sino sa tweens ang may boses at puwedeng maging recording star.