Sikat na celebrity ang bading na ito na minsang napadpad sa malayong probinsiya para mag-shooting. One time ay nagpunta sila sa bayan para magpamasahe.
May isang babaeng masahista na natipuhan ang guwapong bading na sa pag-aakala niya ay tunay na lalaki. Masahe rito, masahe roon ang ginawa ng babae at sa sarap ay nakatulog ang bading na celebrity. Maya-maya ay nararamdaman nito na iba na ang minamasahe sa kanya – ang maselang bahagi ng pagkalalaki!
Nagulantang ang bading at sinabi agad na “bading” siya at pinanlakihan ng mga mata ang masahista na biglang lumabas na lang sa kahihiyan.
Cesar nami-miss ang mag-host sa Kapamilya
Ayon kay Cesar Montano, nakatakda siyang gumawa ng action movie sa Viva Films. Suwerte dahil si Sam Pinto ang leading lady niya sa Hitman.
“Biruin n’yo pinakaseksing babae ngayon ang makakapareha ko kaya ngayon pa lang ay excited na akong makatrabaho si Sam,” sabi ng action-drama actor.
Inamin din ni Buboy na kung may nami-miss man siya, ito’y ang pagiging host niya ng Singing Bee sa ABS-CBN noon.
Cristine dedma sa reputasyon
Tinanong namin minsan ang cast kung gaano kahalaga ang kanilang reputasyon. May mga nagsasabing mahalaga ito pero naiiba ang sagot ni Cristine Reyes.
“Hindi mahalaga ang reputasyon sa akin. Mas mahalaga sa akin ang karakter at ito ang dapat baguhin. Iniingatan ko ang dignidad,” sagot ng bida sa afternoon series na Reputasyon.
Captain America inaabangan na
Matapos ang pagsusumikap na makapasok sa pagsusundalo para makatulong sa pakikipagdigma kasama ang mga kaibigan at kapatid sa Allied Forces, ang bata at patpating si Steve Rogers na ginagampanan ni Chris Evans ay tinanggap para makasali sa isang experimental program na siyang magpapabago sa kanyang anyo at pagkatao upang maging isang Super Soldier na kikilalanin ng mundo bilang si Captain America.
Ang Captain America, bukod kay Chris, ay pangungunahan din nina Tommy Lee Jones, Hugo Weaving, Hayley Atwell, Dominic Cooper, Neal McDonough, Derek Luke, at Stanley Tucci sa direksyon ni Joe Johnston.
Palabas na sa July 27 mula sa Solar-UIP.