Pacman tinanggihang maging miyembro ng samahan ng mga elite

How true na tinanggihan ng isang sosyal na sports club ang application for membership ni Congressman Manny Pacquiao?

Ito ang intriga na nakarating sa akin kahapon, ilang oras bago nagsimula ang airing ng Manny Many Prizes.

Siyempre, nagtaka ako dahil qualified si Papa Manny na maging member ng sosyal na club. Una, residente na siya ng Forbes Park at pangalawa, kasing-yaman na rin siya ng elite members ng sports club na tinutukoy ko.

Malalaman natin ang the truth and nothing but mula mismo kay Papa Manny dahil ‘yon ang itatanong sa kanya ng mga TV reporter na pinuntahan siya kahapon sa AFP Theater.

Mas mabuti nang si Papa Manny ang magklaro sa isyu dahil siya ang sangkot, hindi ako. 

Regalong alahas ng aktor sa isang aktres ayaw paniwalaan

Walang may gustong maniwala na niregaluhan ng alahas ng isang aktor ang aktres na nali-link sa kanya.

Imposible raw na magregalo ng expensive jewelry ang aktor dahil maliban sa pagiging matipid, siya ang breadwinner ng pamilya. Malay naman natin kung pinag-ipunan ng aktor ang alahas, alang-alang sa lumalalim na closeness nila ng aktres?

Starstruck Avenger hindi totoong may cancer

The who si Ana David? Siya ang Starstruck Avenger na napabalita na may breast cancer at nangangailangan ng financial help.

Sinadya ng Startalk crew si Ana sa Pampanga at dito nabunyag na walang katotohanan na may mabigat siyang karamdaman.

Very healthy si Ana, walang sakit at nagtatrabaho sa isang bangko. Ang sey ni Ana, may gumagamit sa kanyang pangalan para makahingi ng datung sa ibang tao. Umaapela sa publiko ang dating Starstruck Avenger na huwag magpaloko at maniwala sa tsismis na walang katotohanan.

Nakikiusap din siya sa nagkalat ng balita na huminto sa panloloko. Hiniling din ni Ana sa mga showbiz reporter na huwag agad paniwalaan ang mga text message at e-mail na natatanggap nila.

Janna biglang napansin dahil kay Iwa

Hindi nagpainterbyu si Iwa Moto sa mga reporter na nag-abang sa kanya sa FHM Sexiest Victory Party.

Iniwasan ni Iwa na huwag matanong tungkol sa pagkikita at pagdededmahan nila ni Janna Dominguez, ang starlet na ipinalit sa kanya ni Mickey Ablan.

Sa totoo lang, humanga ako sa ginawa ni Iwa dahil hindi niya tinularan si Janna na talagang naging available sa pagpapainterbyu sa mga reporter. Why not? Chance na niya na magkaroon ng 15-minute fame, at the expense of Iwa.

Girl na ‘ginahasa’ kakaiba, super talk sa camera

Natawa ako sa mga pralala na tumangging magpakita sa harap ng kamera ang girl na umamin na biktima ng pang-aabuso ng ilang members ng Team Azkals.

Sa lahat ng tumanggi na magpakita, ang girl ang nakaharap sa mga TV camera at super-talk. ‘Yon ba ang umiiwas na magpakita sa madlang-bayan? Kakaiba siya ‘ha?

Show comments