MANILA, Philippines - Habang ginaganap ang Victory Party ng FHM at habang rumarampa si Sam Pinto at ang mga pumasok sa 100 Sexiest, nagsu-shooting naman ng Panday 2 si Marian Rivera. Kahit walang trabaho, hindi rin pupunta sa World Trade Center ang aktres dahil hindi siya invited sa Victory Party.
Napansin naman ng fans ni Marian na nasa World Trade Center na tanging siya lang ang walang tarpaulin sa labas ng WTC, gayung number two siya sa may pinakamaraming votes. Hindi naman siguro nakalimutan lang ng mga taga-FHM na maglagay ng tarpaulin para kay Marian o baka sinadyang hindi magpagawa ng tarp para sa aktres.
Siyanga pala, buong araw na basa si Marian sa taping ng Amaya last Wednesday dahil lubluban ang eksena. Kasama ang ilang cast, ilang beses siyang nilubog sa ilog bilang parusa ni Rajah Mangubat (Gardo Versoza) sa kanila. Next week ito mapapanood at after nang mahirap na eksena, kinabukasan, nag-shooting siya ng Panday 2.
Agostosdos Pictures ang ipinangalan ni Dingdong Dantes sa kanyang company na sunod sa birthday niyang August 2. Busy ang actor sa pakikipag-prodyus ng pelikula at isa rito’y ang Aswang kapareha si Lovi Poe.
Co-producer ni Dingdong at ng kanyang Agostodos Pictures ang Reality Entertainment nina Dondon Monteverde at direk Erik Matti at Post Manila.
February next year pa raw ang playdate ng Aswang, kung saan gaganap na mag-asawa sina Dingdong at Lovi.
Kasama rin sa cast sina Janice de Belen at Joey Marquez bilang mag-asawa, LJ Reyes sa role ng isang aswang, Ramon Bautista at Roi Vinzon.
Samantala, si Dingdong ang Gala Presenter sa bagong reality show ng GMA 7 na Protégé : The Battle for the Big Break na magsisimula sa September. Ginaganap pa ang nationwide audition para sa reality show.
Jake vargas takot sa galit ni direk joel lamangan
Nagulat si Jake Vargas nang malamang si Joel Lamangan ang director ng Pahiram ng Isang Ina, ang afternoon soap na pagsasamahan nila ni Bea Binene at tampok din si Carmina Villarroel. Ang soap ang next show ng dalawa after Captain Barbell at gagawin nila pagkatapos ng shooting ng pelikulang Tween Academy: Class of 2012 na showing na sa August 24.
Inalam uli ni Jake sa press na nag-interview sa kanya sa shooting ng Tween Academy kung totoong si direk Joel nga ang magiging director nila ni Bea. Excited at natatakot daw siya at baka mapagalitan.
Samantala, kahit nali-link kay Derrick Monasterio si Bea, solid pa rin ang love team nila. Hindi raw siya nagseselos, pero pinayuhan si Bea na career muna ang unahin bago ang love dahil bata pa ito.
Malungkot na ikinuwento ni Jake na stage 4 na ang colon cancer ng ina at naririnig niyang umuungol ito sa sakit at apektado na ang pag-ihi. Dasal ni Jake na pahabain pa ang buhay ng ina dahil mahal na mahal niya ito.
Joey may bagong show agad
May kapalit na show si Joey de Leon sa nawalang Mel & Joey nila ni Mel Tiangco dahil siya ang host ng game show na Suwerteng-Suwerte sa Siyete: Win Mo, Kapuso! na magsisimula sa July 25. M-W-F eere ang game show, bago ang Kapuso Movie Festival.
For more details, panoorin ang mechanic plug, ang solo pop plug ng sponsors o tumawag sa 5842065.