Blusang Itim umiinit!

MANILA, Philippines - Lalong umiinit ang takbo ng Blusang Itim na pinagbibidahan ni Kylie Padilla.

Dahil pinaghahanap ng mga pulis, walang choice si Jessa (Kylie) kundi ang maging Jessica habang buhay upang makapagtago.

Kaya lang, susubukang agawin ni Esmeralda kay Jessa ang blusa pero maiisip din niyang mas yayaman siya kung nagiging maganda ang kanyang anak.

Hindi pa sapat lahat ng hirap na pinagdaraanan ni Jessa dahil mababalitaan niyang nagkabalikan na talaga sina Angelo at Cleo. Panay kasi ang paawa ni Cleo dahil nalumpo ito. Gayunman, may pag-asa pa rin si Jessa sa buhay lalo na ngayong malalaman na ni Rhea na hindi niya totoong anak si Edward.

Mukhang mararamdaman naman na ni Jessa ang matagal nang inaasam na pagmamahal ng isang ina dahil gagawa ng paraan si Gerald upang makabawi sa asawang si Rhea. Matagal din kasi niya itong pinaniwala na si Edward ang kanilang anak.

Mabubuking din ni Victoria na nagpapanggap lamang na lumpo si Cleo. Sasabihin kaya niya ito sa kanyang anak na si Angelo o makikisakay siya sa panlilinlang ni Cleo? 

Susubukan ni Jessica na takutin si Edward upang iurong nito ang kaso laban kay Jessa at dahil dito ay magkakagalit sila ni Alison.

Kasabay nito malalaman na rin ni Jessa na siya ay isang ampon lamang.

Show comments