The Fighter nasa original video na

MANILA, Philippines - Mula sa Paramount Pictures, narito ang tunay na is­tor­­ya ng dalawang maalamat na boksingero. Pinamagatang The Fighter, isa ito sa mga pe­likulang labis na pinuri ng mga kritiko sa taong ito. Nagkamit ng pitong nominasyon sa Academy Awards kabilang na ang Best Picture, bida rito si Mark Wahlberg na inayudahan nina Manny Pacquiao at Freddie Roach sa kanyang maaaksyong eksena.

Kabituin sina Christian Bale at Melissa Leo, ang The Fighter ay ini-release na sa original video ng C-Interactive Digital Entertainment at mabibili sa lahat ng outlet ng Astro Vision, Astro Plus, Odyssey Music & Video, O Music, Video City at mga piling sangay ng National Book Store at Fully Booked. Para sa iba pang blockbuster movies sa DVD at VCD, paki-log on lang sa www.c-interactive.com.ph o makipag-diskusyon sa facebook.com/cinteractiveph.

Show comments