MANILA, Philippines - Makapigil-hininga ang bawat eksena sa pinakaaabangang pagtatapos ng kauna-unahang dramaserye ng TV5, ang Babaeng Hampaslupa. Ngayong Biyernes, Hulyo 15, malalaman na kung ano ang magiging tadhana nina Helena (Susan Roces), Diana (Alice Dixson) at Grace (Alex Gonzaga).
Paano nga ba magwawakas ang kasamaan nina Edward Wong (Eddie Garcia) at Katarina (Bing Loyzaga)? Makakamit ba ng mga taong kanilang inapi ang karampatang hustisya?
May mga malalaking sikretong mabubunyag sa muling pagbalik ni William (Christian Vasquez) na kailangang pakaabangan. Paano maaapektuhan ng sikretong ito ang pamilyang Wong? Makakamit na nga ba ni Charles (Jay Manalo) ang minimithing pagkabuo ng kaniyang pamilya? Saan hahantong ang relasyon ni Grace kay Nato (Alwyn Uytingco) at Andrew (Martin Escudero)?