Carmina pumayag ipakita ang bahay

MANILA, Philippines - Sa mahigit dalawampung taon niya sa showbiz, iba’t ibang papel na ang nagampanan ng award-winning actress-host na si Carmina Villarroel. Maging sa telebisyon man o pelikula, acting o hosting man at kahit ano pa mang genre -action, drama, comedy, horror kahit talk show o reality-based na mga palabas, angat ang galing ni Carmina. At nga­yong Sabado, susundan ng Follow That Star ang pinakabagong hamon sa buhay ni Carmina Villarroel – ang matutong magluto at ang pangarap na maging chef!

Tatlo hanggang apat na beses kailangang pumasok ni Carmina sa culinary school. Paano niya nagagawang isingit ito sa tuwing may ta­ping ng Pepito Manaloto, Amazing Cooking Kids at Day Off? Isama pa sa kanyang busy schedule ang pagiging full time mom at business woman.

Bukod dito, pinapasok ni Carmina ang Follow That Star sa kanyang bahay. Wala siyang kakiyeme-kiyemeng nagpakuha kahit walang make-up. Sa loob ng kanyang tahanan, kilalanin ang tunay na Carmina dahil dito hindi siya isang artista kundi isang mapagmahal na ina sa kanyang kambal.

Sundan ang buhay ni Carmina Villarroel sa likod ng camera sa Follow That Star ngayong Sabado, 7:55 p.m. sa GMA News TV.

 

Show comments