Kita ng pelikula ni Pura walang balita

Kumita ba ang pelikula nina Melai Cantiveros at Jason Francisco na The Adventures of Pureza Queen of the Riles? Nagsimulang ipalabas ang pelikula last Wednesday. At hindi sila na-afraid na makipagsalpukan sa Harry Potter. Wala kasing balita.

Kasi kung kumita ito, bongga sila.

Bidang-bida ang magkarelasyong ito sa pelikula ng Silver Screen, ang bagong film arm ng ABS-CBN.

Ginawa talaga ang istorya para sa mag-syota na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother.

Natural naman ang acting nila at binagayan si Melai ng character niyang si Pura na gagawin ang lahat maibigay lang lahat nang kailangan ng kanyang ‘kapatid.’ Actually, hindi naman niya totoong kapatid pero ang magulang nito ang nag-aruga sa kanya nang iwanan siya ng magulang kaya inalagaan naman niya ito nang mawala ang magulang.

At bilang mabait na kapatid ginawa niya ang lahat-lahat para kumita at mapag-aral ito.

Binayagan siya ng role ni Pura. Natural at hindi na niya actually kailangang umarte. ‘Yun na siya.

Si Jason naman, in fairness, may acting din naman. Hindi siya nagpatalbog sa kanaturalan ng acting ni Melai na pang-masang pang-masa. Si Jason ang dakilang kababata ni Melai sa kuwento na hindi niya alam na in love pala sa kanya (Melai).

Sa kabuan, nakakatawa naman. Kaya lang parang ilang beses ko nang napanood ang mga adventure ni Pura sa ibang pelikula. Hindi man eksaktong ganun, pero maraming katulad na isang mabuting kapatid na pinasok ang lahat para sa kapamilya.

Super quick lang ang role ni Pokwang.

Kasama rin si Gina Pareño bilang pinuno ng sindikato na maluwag ang pustiso.

Si Bianca Manalo naman ay short lang din ang role bilang Brazilian model na ginagamit ng sindikato ni Gina Pareño.

Fans ni Nora over acting...

Over acting ang reaction ng fans sa pagdating ni Nora Aunor sa bansa.

Aligaga ang marami samantalang ayon sa isang source, hindi pa alam kung hindi na magbabago ang isip nito.

Mas maigi raw na ‘wag munang mag-panic at hintayin munang makarating bago mag-rejoice ang fans.

Pila sa show ni Pacman umabot sa Edsa

Akala ko naman kung anong pinipilahan sa may Timog area kahapon. Umabot kasi hanggang EDSA ang pila. ‘Yun pala para sa ticket ng programa ni Manny Pacquiao na Manny Many Prizes na eere na bukas, Sabado.

Kahit kainitan, nadaanan ko ang napakahabang pila ng mga taong umaasang makakakuha ng ticket para sa pagsisimula ng programa ng boxing cham­pion. Mamimigay kasi ng house and lot ang programa kaya talagang dadagsa ang tao para makapasok sa AFP Theater kung saan live itong mapapanood. At ang policy : no ticket no entry.

Bukod sa mga bahay at lupa mamimigay din sila ng maraming datung kaya ‘yung mga kababayan nating ayaw mapagod pero gustong magkadatung, may I pila na lang sila.

Totoong ang daming matatanda sa pila na naghihintay na makakuha ng ticket.

Show comments