SEEN : Ang Gutierrez family (minus Annabelle Rama) sa Varekai show ng Cirque Du Soleil sa Quirino Grandstand noong Martes ng gabi.
SCENE : Ryan Tordesillas ang pangalan ng lalake na pinakasalan ni Say Alonzo noong June sa Our Lady of Lourdes Parish, Church Tagaytay City.
SCENE : Si Claire dela Fuente ang manager nina Sam Pinto at Bela Padilla na parehong nagkaroon ng isyu kay Marian Rivera.
Seen : Nagulat si Jaclyn Jose nang malaman nito na nakunan si Cherry Pie Picache sa shooting ng Isda. Hindi alam ni Jaclyn ang pinagdaanan ng kanyang kaibigan.
Scene : Mabigat ang akusasyon sa mga miyembro ng Team Azkals na isinasangkot sa rape case. May sapat na dahilan ang mga akusado na magsampa ng reklamo laban sa mga blogger na siguradung-sigurado sa kanilang inilabas na balita sa Internet.
Seen : Ginagawang big deal ang pagbabalik ni Nora Aunor sa Pilipinas. Hindi pa oras upang mag-rejoice ang Noranians dahil maaari pang magbago ang isip ni Nora.
Scene : Ang dialogue ni Jennylyn Mercado sa Showbiz Central na “Para kay Maricel (Soriano), bukas po ang pinto ng Showbiz Central” dahil sa report ng show tungkol sa pananakit ni Maricel sa dalawang kasambahay.