^

PSN Showbiz

Sharon Cuneta nabawasan na ng 13 lbs.!

-

MANILA, Philippines - Puno ng drama at tensiyon ang naganap na ika-limang weigh-in at elimination ceremony  sa The  Biggest Loser Pinoy Edition, kung saan si Eric Limatog ang tinanggal ng mga kasamahan niya sa Biggest Loser Camp.

Nagbanta  kasi  si  Eric  na babalik siya sa dating pamumuhay kung siya ang matatanggal sa kompetisyon. Nagmatigas din ito nang subukang palakasin ang loob niya ng host na si Sharon Cuneta.

Ikinuwento  pa ng Megastar kung paano niya tinanggap ang mga pangungut­ya sa kaniyang  pagtaba,  at  ibinida  rin na nawalan siya ng 13 lbs. simula nang magsimula ang programa.

Ngunit  ganun man ang ipinakitang asal noon ni Eric, mukhang nagbago na ang ihip  ng  hangin  ngayon.  Sa  isang  panayam, sinabi ng 22-taong binata na pinagsisisihan  niya  ang  mga  nasabi at ginawa noong huling gabi niya sa camp.

Taliwas sa kaniyang binitawang salita noon, patuloy siyang nagsisikap ngayon sa pagpapapayat.

“Gusto  kong  patunayan  na  lumalaban  pa  rin ako. Mas masipag na ako ngayon. Pati na rin ang mga pamilya, kamag-anak, at kaibigan ko, natuturuan ko sila sa tamang pagkain at sa tamang ehersisyo,” kuwento ni Eric.

Dagdag  pa  niya, laking pasasalamat at nakapasok siya sa show.

“Totoo palang  nakaka-inspire  ang  Biggest  Loser.  Para  sa  akin, hindi lang ito simpleng programa kasi binago niya hindi lang ang buhay ko kundi pati na ang buhay ng mga tao sa paligid ko. Sana marami pa akong maturuan.”

Matapos  maging Biggest Loser noong Week 5, bagsak sa ilalim ng yellow line si  Eric  kasama si Angela sa kanilang unang weigh-in bilang ‘singles.’ Ang dating pulis na si Larry naman ang itinanghal na Biggest Loser of the Week, matapos magbawas ng walong pounds o 3.86% ng kaniyang dating timbang.

Mas  iinit  pa  ang  bakbakan  ng mga bigating Pinoy dahil mas ramdam   na   nila   ngayon   ang  kumpetisyon  bilang  mga  indibidwal  na naglalaban-laban.

Sa  paparating  na  workouts  kasama  sina Jim Saret at Chinggay Andrada at challenge  kasama  naman  si  Derek Ramsay, susubukan ang katatagan ng loob nina Alan, Angela, Art, Eboy, Joy, Hazel, Larry, Raffy, Ryan at Winwin.

Sa kanilang ika-pitong linggo kasi sa camp, mas madalas na silang dinadalaw ng pangungulila sa mga mahal sa buhay at maging ng pagod sa mga aktibidad.

Dagdag  pa  riyan  ang mga twist sa show, tulad na lang ng pagsasara sa gym ngayong  linggo.  Ala­min  kung  ano’ng  gagawin  ng  mga bi­gating Pinoy para makapag-workout maski walang equipment na magamit.

Abangan  din  ang  pinakabagong development sa namumuong pagtitinginan nina Raffy  at  Hazel at ang isa na namang pasabog na twist na ikagugulat ng mga contestant at manonood.

Para sa news at updates sa prog­rama, bisi­tahin ang http://biggestloserpinoyedition.abs-cbn.com<http://biggestloserpinoyeditionabs-cbn.com/>, i-like ang http://wfacebook.com/abscbn.biggestloserpinoyedition   sa   Facebook, o sundan ang @BLPinoyEdition sa Twitter.

ANGELA

BIGGEST LOSER

BIGGEST LOSER CAMP

BIGGEST LOSER OF THE WEEK

BIGGEST LOSER PINOY EDITION

CHINGGAY ANDRADA

DAGDAG

DEREK RAMSAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with