Gustong mag-trabaho sa TV5, Geoff 'di mapakali sa GMA 7

Saan naman kaya gustong lumipat ni Geoff Eigenmann? Nabuburyong daw ito sa GMA 7 dahil sa kabila ng hindi naman siya nababakante ay wala pang kasunod ang nagtapos na Magic Palayok. Eh siya ang tipo na ayaw ng walang ginagawa. Nasasayangan siya sa oras. Kahit guesting ay wala siya ngayon.

May mga offers sa kanya to guest in TV5 pero ayaw naman siyang payagan na dapat ay maintindihan niya dahil kapag pinayagan nila siya ay magsi-set siya ng trend among Kapuso artists na may mga offers din to guest in rival networks but are not allowed to.

Si Iza Calzado, matagal ding naghintay before she got this busy. Pero ngayon inaani na niya ang pagiging mapasensiya at hindi mainipin. Geoff can learn a lesson or two from her.

Patpatin naging American hero

Taong 1941, noon ay kasalukuyang ginugutay ng giyera ang buong mundo. Matapos ang ilang ulit na pagsusumikap na makapasok sa pagsusundalo para makatulong sa pakikipagdigma kasama ang mga kaibigan at kapatid sa Allied Forces, ang bata at patpating si Steve Rogers (Chris Evans) ay tinanggap upang makasali sa isang experimental program na siyang magpapabago sa kanyang anyo at pagkatao upang maging isang Super-Soldier na kikilalanin ng mundo bilang Captain America.

Nakipag-alyado ito sa kanyang mga kaibigang sina Bucky Barnes (Sebastian Stan) at Peggy Carter (Hayley Atwell) at sa pamumuno ni Col Chester Phillips (Tommy Lee Jones), nilabanan nila ang Hydra Organization na pinamumunuan naman ni Red Skull (Hugo Weaving).

Mula sa Paramount Pictures at Marvel Entertainment, ang Captain America: The First Avenger ay ipinamamahagi sa bansa ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation. Palabas na simula sa July 27.

Show comments