Aktres na negang-nega, magdedemanda!

Maingay ang tsismis na idedemanda ng aktres ang mga reporter na nagsulat ng mga balita na hindi pabor sa kanya.

Kapag itinuloy ng aktres ang balak na pagsasampa ng kaso, lalong magiging makipot ang kanyang lumiliit na mundo.

Negang-nega ang image ngayon ng aktres dahil sa kontrobersiya na kinasangkutan niya kamakailan. May pagkakataon ang aktres na ipagtanggol ang sarili pero pinairal niya ang katigasan ng ulo.

Mas pipiliin pa niya na magdemanda kesa harapin ang problema. Magdemanda man siya o hindi, negang-nega na ang image ng aktres.

Iwa nag-ala LJ Reyes

Iba ang epekto ng pralala na six months na mawawala si Iwa Moto sa Pilipinas dahil aasikasuhin niya ang kanyang citizenship sa Japan.

Umiral ang pagiging malisyosa ng mga intri­gera dahil may duda sila na buntis nga si Iwa.

Ginamit nila na basehan ang nangyari noon kay LJ Reyes na mag-aaral sa New York pero buntis pala.

Malay n’yo naman kung talagang pupunta si Iwa sa Japan para ayusin ang kanyang citizenship?

Pero dahil hindi available si Iwa for interviews, lalong lumakas ang tsismis na may inililihim siya.

Samantha Lopez manunumpa na bilang American Citizen

Kasama pala si Samantha Lopez sa cast ng Time of Your Life, ang dan­serye ng GMA 7 na mapapanood sa susunod na buwan.

New York based na si Samantha at umuwi lamang siya ng Pilipinas para sa taping ng Time of Your Life. Hanggang September lang si Samantha sa Pilipinas kaya dapat makunan ang mga eksena niya bago siya bumalik sa Amerika.

Inaayos na niya ang mga papeles ng kanyang nag-iisang anak na babae at mukhang matutuloy na ang pag-migrate ng bagets sa US.

Pumayag na ang anak ni Samantha na mag-aral at manirahan sa Amerika.

Manunumpa rin si Samantha bilang US citizen sa September kaya it’s a must na bumalik siya sa New York.

Aktor sinusunod ang utos ng manager, ka-live in, hiniwalayan na

Pinagdududahan na hiwalay na ang young actor at young actress dahil tumanggi ang una na sagutin ang mga question tungkol sa kanilang relasyon.

Iba ang obserbasyon ko. Mas malaki ang posibilidad na sinusunod ng aktor ang advice ng manager nito na huwag magsalita tungkol sa live in partner niya dahil bahagi ito ng pag-repackage sa kanyang image.

Mukhang successful naman ang pag-iwas ng aktor dahil nalilimutan na ng mga tao na tatay na siya. Hindi na rin napag-uusapan ang aktres sa mga presscon na dinadaluhan ng kanyang live in dyowa.

Mind Master balik-ere

Magbabalik na sa TV ang Mind Master, ang sariling show ni Nomer Lasala, ang mentalist na napapanood sa Showbiz Central.

Hanggang sa darating na Linggo na lang ang portion ni Nomer sa Showbiz Central dahil sa pagbabalik ng Mind Master.

Marami ang makaka-miss sa segment ni Nomer sa Showbiz Central. Iba kasi ang thrill na nararamdaman ng televiewers kapag correct na correct ang mga sagot ni Nomer sa mga iniisip ng mga celebrity guest.

Golden Acres nakaka-depress

Hindi ko pa rin malimutan ang kalagayan ng mga senior citizen na dinalaw namin sa Golden Acres noong Lunes.

Nakaka-depress talaga ang mga eksena na nakita ko, lalo na ang isang babae na kasing-edad ko pero pinabayaan ng kanyang mga kamag-anak. Nanghihingi ng peluka ang babae dahil kalbo na siya. Dream naman ng isa pang lola na magkaroon ng transistor radio para may mapaglibangan siya.

Mga simple lang ang mga request ng mga lola pero para sa kanya, napa­kalaking bagay na ‘yon. Matutupad ang mga pangarap ng dalawang lola dahil may mga nangako na bibigyan siya ng wig at transistor radio.

Show comments