^

PSN Showbiz

Pure Love araw-araw na

-

MANILA, Philippines - Isang magandang buhay na ang nasa kanya pero paano kung sa isang iglap mawala lang lahat kapalit ang pambihirang pagkakataon na makita ang katotohanan, malantad ang kataksilan, at mapatunayan ang tunay na pag-ibig?

Perpekto ng maituturing ang buhay ni Dianne (Nam Gyu-Ri) pero biglang magbabago ang lahat nang siya ay maaksidente at ma- comatose.

Hindi pa talaga oras mamatay ng bida kaya naman binigyan siya ng pagkakataon para muling mabuhay sa isang kondisyon — sa loob ng 49 days, kinakailangan niyang makahanap ng tatlong tao bukod sa kanyang pamilya na luluha ng totoo para sa kanya.

Para magawa ito, hihiramin niya ang kataw4an ni Ysabelle (Lee Yo Won), isang part-time employee sa isang convenience store, sa mga oras na ito ay natutulog. Gugustuhin pa kaya ni Dianne bumalik sa buhay mortal kapag nalaman niya ang mga pakatagu-tagong lihim ng mga taong nakapaligid sa kanya? Bagamat ibang tao si Ysabelle na haharap sa kanila, maramdaman kaya ng pusong tunay na nagmamahal kay Dianne na siya ang kanilang kasama?

Sa teleseryeng ito nagbabalik ang kinakiligan n’yong si Cho Heon-Jae sa Koreanovelang Only You bilang si Dave. Talaga namang pinag-usapan ito sa Korea dahil sa mga kakaibang twists, matitinding rebelasyon, at hindi mawaring ending.

Inihahandog ng ABS-CBN ang bagung-bagong serye sa South Korea na magpapatunay na walang halaga ang buhay kung walang tunay na pagmamahal— ang Pure Love. Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Biggest Loser Pinoy Edition, mapapanood ito sa first and true home of Asianovelas, ang Kapamilya Network.

BIGGEST LOSER PINOY EDITION

CHO HEON-JAE

DIANNE

KAPAMILYA NETWORK

LEE YO WON

NAM GYU-RI

ONLY YOU

PURE LOVE

SOUTH KOREA

YSABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with