MANILA, Philippines - Sampung taon mula nang lumabas ang unang pelikula ng
Harry Pottersa mga sinehan. Balot ng hiwaga at mahika, ang pelikula at maging ang libro na isinulat ni
JK Rowlingay pumatok sa buong mundo. At ngayon, ilalabas na sa takilya ang huling kabanata ng buhay ng sikat na sikat na si Harry. Ngayong Martes, Hulyo 12 sa
samahan si
Rose Eclarinalmula London, at pasukin ang sentro ng kababalaghan ng kasikatan ng Harry Potter series.
Kilalanin ang mga karakter sa likod ng mga personang bumubuo sa pelikula at damhin ang pinaghalong lungkot at saya ng mga cast at fans sa pagtatapos ng Harry Potter.
Kung sa tanyag na Platform 9 sa London sasakay si Rose, sa kabubukas muling Bicol Express naman lululan si Zen Hernandez. Makalipas ang limang taon, sa gitna ng mga kontrobersiyang nakabalot sa rehabilitasyon, muling umarangkada ang biyaheng Maynila hanggang Bicol. Pero hindi pa man nakararating sa huling destinasyon ang unang biyahe nito, nabalot ang buong tren ng tension nang matigil ito sa gitna ng riles. Isa ba itong badya nang muling pagkadiskaril ng biyahe ng Bicol Express? Ang Patrol ng Pilipino ay mapapanood pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.