Dennis hindi na apektado kay Jennylyn

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako binibigo ni Dennis Trillo sa aking expectation sa kanya. Hindi pa rin siya sumasagot tungkol sa naging isyu nila nun ni Jennylyn Mercado.

Ngayon kahit may mga projects na dapat i-promote, quiet pa rin ang aktor, sinasabi na lamang niya na hindi naman naapektuhan ang kanyang career sa mga nangyari. Kung nagkaroon man ng adverse effects sa kanya ang mga sinabi ng kanyang ex, hindi naman ito gaanong nagtagal at nawala rin.

Game show ni Manny pinupuna agad

Inaakusahan si Rep. Manny Pacquiao na namumulitika sa pamamagitan ng kanyang bagong game show? May punto rin dahil bakit hindi na lang ibigay ng kampeong boksingero ang kanyang tulong ng direkta sa tao sa halip na idinadaan pa ito sa isang programa na naglalayong ma-boost pa ang popularidad niya na abot-langit na nga naman ang taas?

Pero, in fairness to him, hindi lamang naman si Manny ang maaaring akusahan ng maagang pangangampanya although why he need to resort to such measure ay hindi ko maintindihan. With his illustrious record, winner na siya. Ang problema, malayo pa ang eleksiyon, marami pa ang mangyayari, huwag nating sisihin ang marami na ngayon pa lamang ay nagpaparamdam na.

Show comments