MANILA, Philippines - Tag-ulan na kaya maraming sakuna at karamdamang dumarapo sa mga tao ngayon. Sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Sabado, alas-onse ng umaga sa GMA News TV tungkol dito ang ihahatid ni Mader Ricky Reyes kasama ang ilang panauhin.
Ilalahad ni Mr. Gerry Chua kung paano niya naisip bumuo ng isang Emergency Rescue Service sa Chinatown at iba pang karatig sa Metro Manila.
Marami nang karangalang ibinigay sa ginoong ito dahil tiyak na kapag may natural disaster tulad ng sunog, baha, lindol, tsunami at flash flood ay tiyak na naroon siya at ang kanyang mga masisipag na tauhan o volunteer.
Panauhin din ang mga miyembro ng St. Luke’s Global ER (emergency room) Team na ang tatalakayi’y first aid para sa mga bata lalo na kung nasa labas ng bahay ang mga ito tulad ng eskwela, mall at park.
Mula pa rin sa St. Luke’s si Dr. Pelagio Yusingco na ang ikukuwento’y falls and fracture na nakukuha ng mga senior citizen sa panahon ng kalamidad.
Magsasalita rin si Ma. Cristina Macrobon na isang global heart specialist.
Alamin kay Kahleen Mae Marbella na isang nurse kung anu-ano ang dapat gawin sa isang taong inatake o nagkaroon ng stroke. First aid sa mga nagkakaroon ng sakuna ang tatalakayin ni Ian Nubbin Francisco ng Philippine Red Cross.