^

PSN Showbiz

Nanay nasorpresa sa pagbabago ng buhay

-

MANILA, Philippines - Wala na ngang hihigit pa sa pagmamahal at kalingang ibinubuhos ng isang ina sa kanyang mga anak. Tulad na lang ni Julie na handang ibigay ang lahat para sa mga supling na sina Joanalyn, Joana Marie, Jericho , at Juliana.

Mag-isa niyang itinataguyod ang kanyang pamil­ya sa pamamagitan ng ayuda ng kanyang mapagmalasakit na kapatid. Nagdaan si Julie sa malulubak na kabanata ng buhay nilang mag-iina.

Walong taon na ang nakalipas nang talikuran ni Julie ang ama ng kanyang mga anak. Noo’y naninirahan pa sila sa Antipolo kapiling ng lasenggong asawa hanggang umuwi na lang sa bahay ng ina sa San Manuel, Tarlac.

Sa San Manuel nagsimulang muling umarangkada ang pedikab ni Nanay. Dito pilit niyang iginagapang ang kanyang mga anak. Sumasama rin siya sa pamimitas ng mais at sibuyas at kung minsa’y nagma-manicure. Tuwing may pasok sakay nila ng kanyang anak ng lumang pedikab upang ihatid ang mga ito sa San Miguel Primary School na may kalapitan lang naman mula sa kanilang bahay. Pero sinisigurado lang ni Nanay Julie na ligtas ang kanyang mga anak na makapapasok sa paaralan.

Abangan kung paano mababago ang buhay ni Nanay Julie at mga anak sa tulong nang nagmagandang loob na Star Group of Publications ngayong Sabado, July 9, sa Wish Ko Lang, 4:30 p.m., sa Kapuso Network.

vuukle comment

JOANA MARIE

JULIE

KANYANG

KAPUSO NETWORK

NANAY JULIE

SA SAN MANUEL

SAN MANUEL

SAN MIGUEL PRIMARY SCHOOL

STAR GROUP OF PUBLICATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with