Dahil sa pagluluto, Carmina halos ayaw nang gumawa ng teleserye

MANILA, Philippines - Sa July 16, isa sa tatlong aspiring kiddie cooks ang tatanghaling pinakaunang Most Amazing Cooking Kid sa Amazing Cooking Kids ng GMA 7

Matapos pagdaanan ang maraming challenges – tulad ng blind-tasting, mincing, baking, at pagluto ng Filipino at Asian food – handang-handa na sila Duday Reyes, Angel, at Ronin Leviste para sa pinakahuling cooking challenge.

Bago ang finals, nakasama ng Amazing 3 ang kanilang pamilya at mga kaibigan. Nakita ng mga manonood ang heartwarming interview ng lola ni Angela, ang bonding moment nina Duday at ng kanyang daddy at ang pagsuporta ni Batangas Governor Vilma Santos kay Ronin.

Dinalaw din ng Amazing 3 si Sa­rangani Representative Manny Pacquiao para sa isang pep talk at para dalhan siya ng kanyang paboritong Tinola. Bilang isang experienced com­petitor ay pinayuhan ng People’s Champ ang mga bata tungkol sa kanilang final cooking battle.

Sa finale, hindi dapat palampasin ng mga manonood kung paano haharapin ng little chefs na ito ang pinakamahirap na cook-off sa competition. Sa pamamahala ni top-notch chef Jill Sandique, kailangan nilang isagawa ang kanilang konsepto ng isang full course world-class Filipino meal.

Subaybayan ang huling episode ng Amazing Cooking Kids at alamin kung sino kina Angela, Duday at Ronin ang mana­nalo!

Sumali rin sa Favorite Cooking Kid Promo ng Amazing Cooking Kids sa Face­book at manalo ng exciting prizes! Bisitahin at i-like ang GMA Network Fan Page (www.facebook.com/GMANetwork) at i-click ang Favorite Cooking Kid Tab para sa mga detalye.

Kasama ang host na si Carminal Villarroel, ang finale ng Amazing Cooking Kids ay mapapanood sa July 16, Sabado bago ang Eat Bulaga, 11:15 a.m., sa GMA 7. 

Anyway ang programang ito ang nag-inspire kay Carmina para mag-enroll sa culinary.

Noon kasi, wala siyang hilig sa kusina. Pero nang matikman niya ang mga niluluto ng mga bata, naisip niyang kailangan din niyang maging expert sa pagluluto.

Ngayon, anim na oras siya sa culinary school. “Paglabas ko, amoy ulam na ako,” natatawa niyang sabi.

Nakakapagluto na rin daw siya at naghahamon na rin ng cooking showdown kay Zoren na nauna nang nag-enroll sa culinary. Nauna rin naman kasing nag-host ng cooking show si Zoren.

Naalala kong kuwento noon ni Zoren na walang kaalam-alam si Carmina sa kusina. Parang wala rin daw interes ang kinakasama sa pagluluto.

Pero ngayon, siguradong iba na ang kuwento ni Zoren about Carmina. Sobra-sobra na ang passion nito sa pagluluto.

Isa rin ito sa mga rason kung bakit parang halos ayaw na niyang gumawa ng teleserye. Feeling niya iba ang trabaho ng nagte-teleserye kesa sa host na meron pa siyang time sa kanyang family - kay Zoren at sa kambal nilang anak at sa pag-aaral ng culinary.

Speaking of Zoren, nabanggit ni Carmina na mag­gi-guest ang aktor sa ABS-CBN. Yes sa Kapa­milya Network.

So hindi totoo na lilipat siya sa TV5? “Alam mo naman si Zoren kung saan may trabaho,” sagot ng TV host actress.

Show comments