Tawa kami nang tawa sa mga sagot ni Melai Cantiveros sa presscon ng The Adventure of Pureza : Queen of the Riles. Unang hirit pa lang, natawa na ang press dahil sa halip na “press,” “presscon” ang binati at sa second time niya itong binanggit, kinorek siya ng BF na si Jason Francisco.
Natabunan ni Melai ang mga kasama sa presscon at kahit si Joem Bascon, laugh nang laugh. Tama ang sabi ni Direk Soxy Topacio, on and off cam, nakakatawa si Melai at makikita sa movie na showing sa July 13, kung gaano siya kahusay na komedyana.
Natawa rin kami sa tsika nitong binigyan niya ng pera ang family niya sa GenSan nang minsan siyang umuwi at may binanggit na ang dating sa press ay “parasites” ang family niya, ‘yun pala’y “pera-sites” ang gustong tukuyin.
May bed scene at kissing scene ang magdyowa at sabi ni Melai, good kisser ang BF dahil tumagal ang relasyon nila. One year and four months na ang relasyon ng dalawa at sabi ni Jason, ayaw niya ng babaing masyadong maganda, kaya okey na sa kanya si Melai kahit may kulang dahil maganda rin at malakas ang appeal. “Bakit ikaw walang kulang?” Ang reaction ni Melai at akala ng press mag-aaway ang dalawa sa gitna ng presscon.
Nahiya pa si Melai sa sinabi ng press na kikita ang movie nila ni Jason, pero sabi’y adventure nila itong dalawa. “Ako lang ang nasa title, no choice si Jason.”
Tuloy na!
Natuloy na rin ang storycon ng Iglot last week at kung hindi mababago, two weeks from now ay sisimulan na ni direk Gil Tejada ang taping ng family drama na sa August na raw ang airing.
Bukod kina Claudine Barretto, Marvin Agustin, Luis Alandy, at Jolina Magdangal, kasama rin sa cast sina Celia Rodriguez, Pauleen Luna, Patrick Garcia, Perla Bautista, at marami pang iba.
One week daw magti-taping ang iba sa cast sa Bicol dahil dito iikot ang story ng Iglot na tungkol sa batang hindi ma-pronounce ang itlog at iglot ang nababanggit. As of today though, wala pa ring napipiling bata na gaganap na anak ni Claudine.
Balik-acting si Patrick dito at sana hindi siya mag-backout. Sayang at hindi natuloy na pagsamahin sila ni Jennylyn Mercado.
Captain Barbell magdadagdag ng ibang characters
Nagulat kami sa nabasang bagong cast na papasok sa Captain Barbell dahil kasama si Hero Angeles. Akala namin ayaw na nitong mag-showbiz at hindi na nga ito sumisipot sa Walang Tulugan ni German Moreno na tumulong sa kanya para hindi mawala sa showbiz.
Papasok din si Akihiro Sato bilang Black Barbell at join din daw si Daiana Meneses sa role ni Chloe Morales. Hindi lang namin alam kung nag-taping na ang tatlo o magti-taping pa lang.