^

PSN Showbiz

Coco hindi apektado sa pahaging ni Katherine

- Veronica R. Samio -

Ang parang hindi naaapektuhan ng pagbabalik-showbiz ng ina nang sinasabing anak niya na si Katherine Luna ay si Coco Martin na sa huling pakikipag-usap namin sa kanya sa backstage ng Star Awards for Movies ay umaming nami-miss na niya ang anak niya sa aktres.

Kasama ang award-winning ding actress na si Katherine sa cast ng bagong programa ng TV5 na Bangis, pagsasa-TV ng isang popular na nobela sa komiks ni Carlo J. Caparas. Role ng isang battered wife ang ginagampanan ni Katherine na ayaw mang pag-usapan si Coco ay palagi namang may paha­ging dito ang mga binibitawan niyang salita, especially during the presscon.

Ngumiti na lamang si Coco nang hingin ang kanyang reaksiyon sa set ng Minsan Lang Kita Iibigin sa mga sinasabi ni Katherine. Ang importante, kailanman ay hindi niya itinanggi ang pagiging ama niya sa anak ni Katherine sa kabila ng pang-eeng­ganyo ng maraming malapit sa kanya na ipa-DNA test ito.

Enzo at Louise parating magkasama

Kung palaging ipapaisip at ipapakita nina Enzo Pineda at Louise delos Reyes ang tunay nilang relasyon sa mga tagasubaybay, hindi talaga magkakaroon ng pagkakataon na baka tuluyang maapektuhan ang love team  nina Louise at Alden Richards.

Kung gusto nina Louise na mas madaling sumikat sa pamamagitan ng love team, lie low muna sila ni Enzo. O kaya naman mag-decide na siyang magka-career ng solo at walang ka-love team. Baka rin naman sa pagiging solo niya mas madaling matatagpuan ang kanyang success. Ito naman ay kung hindi sasalungat sa plano para sa kanya ng kanyang home studio.

May mga sakripisyo na talagang dapat gawin ang mga artista para sila sumikat. Kasama na rito ang paglilihim sa tunay nilang katayuan sa buhay o karelasyon.

Hindi natin masisisi si Derek Ramsay kung hindi niya sinabi na may sabit na siya nang mag-decide siyang mag-artista. It would definitely hinder his growth as an actor. Baka hanggang ngayon struggling pa rin siya. O ang pagtatago ni Andi Eigenmann ng kanyang pagbubuntis. Kung ’yung isa sa pinaghihinalaang ama ng kanyang dinadala ay nagsisimula nang maramdaman ang epekto ng isyu, kahit hindi pa napapatunayan ang partisipasyon niya, si Andi pa kaya ang hindi?

Cesar at Iza inilipat ng araw

Sayang maganda pa naman at nakakatawa ang sitcom na nagtatampok kina Cesar Montano at Iza Calzado na Andres de Saya sa GMA 7. Tungkol ito sa isang mag-asawa na hindi naman talagang takot ang lalaki sa kanyang misis. Sa sobrang pagmamahal niya rito ay todo-bigay siya sa mga kagustuhan nito. Patok din ito nung una itong mapanood dahil kabagu-bago pa lamang nananalo ni Gloria Diaz bilang Miss Universe at si Vic Vargas naman ay isang kilalang astig at popular na action star noon. Swak ang personalidad ng dalawang artista sa kani-kanilang role kaya pumatok ito nung unang ipalabas.

Nag-last taping day ang sitcom na ang ibig sabihin ay nakatakda na itong magtapos. Nagulat pa ang buong cast dahil hindi sila nasabihan at aware naman sila na maraming viewers ang sitcom. ’Yun pala, last taping day nila ’yun for a Saturday showing, ililipat na ito ng Linggo kapalit ng serye ni Manny Pacquiao na magku-concentrate naman sa kanyang bagong game show.

Bakbakang finalé sa Transformers 3, 30 minuto

Paano ba naman hindi aabutin ng mahigit sa dalawang oras ang pagpapalabas ng ikatlong serye ng Transformers: Dark of the Moon eh ang finalé action scene ng movie na ginawa ni Direk Michael Bay ay kumain ng 30 minuto sa kabuuan ng pelikula? Ito na malamang ang pinakarurok ng mga ginawang action sequences ni Bay.

Ang Transformers: Dark of the Moon ay nagtataglay ng mas maaaksiyong eksena kesa sa naunang dalawa.

Andun pa rin ang mga artistang sina Shia LaBeouf, John Turturro, Josh Duhamel, Tyrese Gibson, Rosie Huntington-Whiteley, Patrick Dempsey, Kevin Dunn, John Malkovich, at Frances McDormand.

Ito ay ipinamamahagi ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation at palabas pa hanggang ngayon.

ALDEN RICHARDS

ANDI EIGENMANN

ANG TRANSFORMERS

CARLO J

DARK OF THE MOON

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with