^

PSN Showbiz

Hustisya sa Vizconde Massacre hihimayin sa Patrol ng Pilipino

-

MANILA, Philippines - Tapos na ang 20 taon palugit para makapag-sampa ng anumang kaso kaugnay ng Vizconde mas­­s­acre. Napawalang-sala na rin sa Korte Suprema ang mga akusado sa krimen, sa pangunguna ni Hubert Webb.

Pero sa pagkahaba-haba ng taong tinakbo ng paglilitis ng kaso, parehong partido ang hindi pa rin nakakuha ng hustisya at katahimikang inaasam.

Ngayong Martes (Hulyo 5) sa Patrol ng Pilipino, alamin sa ulat ni Jing Castañeda ang mga bagong detalye sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa kaso ng National Bureau of Investigation kasama ang Department of Justice.

Sa dinanas nang naulila sa pamilya na si Lauro Vizconde, at nang naburo sa bilangguan na si Hubert, may aasahan pa ba sa klase ng hustisya sa bansa?

Samantala, dagdag pa sa problema sa mga paa­ralan ang estado ng kalinisan ng mga mag-aaral. Sa dinami-raming kulang sa ating mga pampublikong eskwelahan, dagdag pa rito ang pagkakaroon ng dental cavities at ng mga kuto at lisa ng mga bata.

Samahan si Ryan Chua sa pagkilala sa marami-raming “batang kutuhin” at may mga sirang ngipin at alamin ang mga paraan para magkaroon ng isang malusog at malinis na pangangatawan.

Abangan sina Jing Castañeda at Ryan Chua sa Patrol ng Pilipino, ngayon ng gabi (Hulyo 5), pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

DEPARTMENT OF JUSTICE

HUBERT WEBB

HULYO

JING CASTA

KORTE SUPREMA

LAURO VIZCONDE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NGAYONG MARTES

RYAN CHUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with