PIK: Matagumpay ang premiere night ng Temptation Island sa Cinema 9 ng SM Megamall nung isang gabi dahil dinagsa ito ng napakaraming tao.
Karamihan sa mga dumating ay mga fans ni Marian Rivera kaya hindi napigilan ang ilang nag-boo nang lumabas si Heart Evangelista sa screen.
Nasa Brazil pa si Heart pero nakarating ito sa kanya kaya nag-emote ito sa kanyang Twitter account nung mga oras na ’yun.
“In respect to GMA and Regal ’di lang po ako nagsasalita. Tama na po ang lait sa Mom ko. It’s really wrong. I may not be at the peak of it all...,”
Pero bandang huli, masaya pa rin siya sa success ng Temptation Island at binati ang lahat na bahagi ng naturang pelikula.
Alang-alang sa pelikulang ito na magsisimula nang mapanood bukas sa mga sinehan, mas mabuting tapusin na nga ito at huwag nang magpalitan ng maaanghang na salita.
Natitiyak pa rin naming magkakaayos sina Marian at Heart dahil nasa iisang network lang sila.
PAK : Nagsisimula nang kumalat ang sex video ng isang baguhang female young star na galing sa isang reality talent search.
Matindi ang eksenang nakikipagtalik ito sa isang may edad na lalaki.
Patayo pa ang posisyon habang si baguhang young star ay nakaupo sa isang parang mahabang cabinet.
Matagal nang natsitsismis kung kani-kanino itong si magandang young star pero itinatanggi naman niya.
Ang dami nang naririnig na hindi magagandang balita tungkol sa kanya pero tahimik lang ito.
Ewan ko lang kung paano niya ito sasagutin kung sakaling maglabasan na dahil kitang-kita ang mukha ng young star sa screen. May takip naman ang mata ng matandang lalaking katalik nitong baguhang young star.
BOOM : Tama nga ang nararamdaman ni Regine Velasquez na baby boy ang ipinagbubuntis niya.
Na-announce na ng Songbird sa Party Pilipinas ang magandang balita kaya tuwang-tuwa ang lahat dahil ’yun naman talaga ang wish para sa kanila.
Nang nakausap namin si Ogie Alcasid bago sila nagpa-check up nung Sabado, hindi naman isyu sa kanya kung boy o girl ang ipinagbubuntis ng asawa niya.
Ang mahalaga ay malusog ito at safe si Regine.
Nung una ay sinasabi ni Regine na tiyak na Herminio III ang pangalan ng baby kung boy ito dahil gusto niyang junior ito ni Ogie.
Pero si Ogie na rin ang nag-suggest na huwag nang ipangalan sa kanya dahil hindi na uso ang ganung pangalan paglaki ng kanyang anak.
Kaya nag-iisip sila ng ibang pangalan o baka may ikabit sila na ibang pangalan sa Herminio.
Nang tinanong naman si Regine kung ano ang naisip nilang name sa kanilang magiging baby boy, baka Timothy Joseph ang sagot niya.