Noong Sabado ay nakabalik na sa bansa si Sam Milby mula sa international screenings ng Forever and a Day sa Amerika. Matatandaang nagpaiwan si Sam doon para dalawin ang kanyang amang naospital dahil sa sakit.
“Meron siyang internal bleeding, sa stool niya. He lost a lot of blood actually pero mabuti naman he’s better. He’s getting a lot better now. The doctor was trying to explain there was a blood clot. I’m not even sure we tried to get ’yung test results niya sa hospital but we couldn’t get it yet, mga seven to ten days,” seryosong kuwento ni Sam.
Ngayon ay nakauwi na ng bahay ang ama ni Sam mula sa ospital at hangad ng aktor na lalong bumuti ang kalagayan nito.
“Mahina pa rin, he’s still weak, but he is getting better by the day. Dad, I already miss you, just keep getting better. Don’t work too hard, I know you work so much. Sometimes you just got to rest just to get better. I miss you already. I love you,” emosyonal na pahayag ng aktor.
Na-enjoy ni Sam ang kanyang pananatili sa US dahil nakasama niya ang kanyang pamilya na nakabase roon at naki-celebrate din siya sa birthday ng kanyang pamangkin.
“Ang saya, it’s only the second time na I’ll be able to see my pamangkin, and first birthday niya, mas adorable siya ngayon. I got to take a lot of pictures and I got to take a lot of videos. We don’t get a lot of moments like that together, all the family together so masaya talaga,” sabi ng aktor.
Eugene nabuhay ang dugo kay Wendell Ramos
Nag-pictorial na sina Eugene Domingo at Toni Gonzaga para sa kanilang pelikulang pagsasamahan mula sa Star Cinema, ang Wedding Tayo, Wedding Hindi. Totoo kaya ang bulung-bulungan na nagkasapawan ang dalawa lalo pa’t magaling sila parehong magpatawa?
“Hindi uso sa amin ’yan ni Toni. Ako’y tagahanga ni Toni, kasi ang dami niyang kayang gawin. Isang karangalan na makasama ang isang namamayagpag na artista katulad ni Toni Gonzaga, talented talaga eh,” pahayag ni Eugene.
“Hindi kami pareho ng istilo. Iba ’yung ibinibigay ni Ate Uge. Nag-compliment ’yung husay niya sa kaya ko lang ibigay,” pahayag naman ni Toni.
Ngayon lang ulit makakatambal ni Toni sa pelikula si Zanjoe Marudo pagkatapos ng tatlong taon. Ayon sa aktres ay malaki na ang ipinagbago ng binata dahil mas open na ito at nakikipagbiruan na.
Isang matinding kissing scene naman ang dapat abangan ng mga manonood kina Wendell Ramos at Eugene sa pelikulang ito.
“Nahiya nga ako, nagpaalam ako kay Ms. Eugene kung puwede ba? Buti na lang pumayag siya,” say ni Wendell.
“Maanghang, maanghang na pagdidikit, ’yung aking katawang tao ay naanghangan sa mga eksena namin,” natatawang kuwento pa ni Uge. — Reports from JAMES C. CANTOS